Kapitulo I: Dilaw at Asul

317 17 10
                                        

          I was never a fan of fairy tales

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

          I was never a fan of fairy tales. In fact, I hated it. A lot. I could never stand reading something so magical, idealistic, and unrealistic. It makes readers fantasize about living a far-fetched life.

It's honestly annoying. And what's more irksome is the fact that these fairy tales are intended for the young to read in children's books. It gives them false hopes. It unnecessarily loosens their grip on reality. It's like having an armor shield that is bound to be broken eventually. The protection provides them with so much safety and comfort that the pain gets unbearable when life finally stabs them.

But, maybe I was just bitter. I guess I really am, because I never really had it. I never had an armor shield. I never had the chance to be immersed in fairy tales. There was no fantasy to protect me in the first place.

I learned reading at 9-too old to believe in idealized, fabricated stories. I experienced cruelty for a couple of rough years before I learned how to read and spell it.

"Aray!"

But, it has become my advantage. When you're used to pain, you don't easily go numb; anything just becomes perfectly bearable.

"Ang sakit, ah! Nananadya ka ba?!"

Mula sa pagkakasalampak sa malamig na sahig ay mabilis akong bumalik sa pagkakaluhod. Inabot ko ang itim na sapatos na kasabay kong tumilapon. Sa kabila ng masakit na balakang gawa ng pagtulak sa akin ng galit na ginang ay nagawa ko pang ngumiti.

"Madam, sorry! Napatulala kasi ako sa ganda ng paa niyo. Kagagaling niyo lang ba sa footspa, madam?"

Tumaas ang kilay niya. "Hindi. Huling punta ko sa salon ay last week pa! I am a very busy woman!"

Umakto akong nagtataka; binalik ang tingin sa mga paa niyang parang pinapak ng mga antik sa maga saka pabirong umismid.

"Madam naman, tayo-tayo na lang dito! Paanong last week pa ang huli, e, mapula-pula pa ang talampakan niyo tapos walang ka-kalyo-kalyo?"

Umismid din siya pero kumikibot ang mga labi habang pinagmamasdan ang mga paa.

"Pinagloloko mo naman ako, e..." malambot niyang sabi.

Pinalipad ko ang kanang kamao sa dibdib na parang na-offend niya ang buong pagkatao ko.

"Ha? Grabe ka naman, madam! Tawagin niyo na akong pangit, 'wag lang manloloko!"

Ngumuso siya at kalauna'y naging ngiti.

"Bakit kita tatawaging pangit? Ang ganda-ganda mo kaya. Hawig mo si Phoebe Cates."

Umarte akong nahihiya sa papuri habang marahang sinusuot ang sapatos sa kaliwang paa niya.

"Si madam talaga, oh... wala ng tawad 'to, madam."

Saktong-sakto sa mala-barko niyang paa ang itim na takong. Sinunod kong isuot sa kanan ang kapares.

"I don't need tawad, ano! Kung hindi mo naitatanong, sa GMA ako nagtatrabaho."

'90s ClichésTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon