Trigger Warning: Suicide
"I'm sorry po, bigla akong napatawag. Nakita ko lang po ang number mo sa wallet ni Kuya Rio. Hindi niya alam na... tatawagan kita."
Idiniin ko ang telepono sa kanang tainga. "Ikaw si Vivian? Kapatid ni Rio?"
Hindi ako makapaniwala. Bakit siya... biglang napatawag?
"You know me po?" tanong ko pa.
Posibleng naikwento ako ni Rio sa kanila pero... ano'ng meron? Nasa Cebu sila, ah?
"Nagpunta si kuya dito sa Cebu noong nakaraang linggo..."
Umawang ang mga labi ko. "Si Rio? Umuwi sa Cebu?"
Wala siyang nabanggit sa akin...
"Pasensya na po sa pagtawag nang walang pasabi. Sana po 'wag niyong sabihin kay kuya na tinawagan kita."
Hindi ko alam pero unti-unting bumibilis ang kabog sa dibdib ko.
"Mukhang ayaw po ipaalam sa'yo ni kuya ang nangyari dahil baka mag-alala ka. Pero si mama po kasi..."
Narinig ko ang kaniyang buntonghininga.
"Nagtangka na namang m-mag-suicide..."
Nanuyo ang lalamunan ko.
"Ulit. Sinubukan na naman niyang... kunin ang sariling buhay."
Ano'ng…. hindi ko… hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ito.
"Umuwi na si kuya rito last March for the same reason po..."
March? Iyon ba ang dahilan kung bakit ilang araw siyang hindi nagpakita noon?
"Pero inulit na naman ni mama. Ayaw niyang bumalik sa rehab center. A-Ayaw na rin daw niyang m-mabuhay..."
Narinig ko ang mumunting hikbi ni Vivian. Hindi ko rin napigilan ang pangingilid ng luha sa mga mata.
"Our grandparents are old na po. Hindi na namin maaasahan si mama. Si Kuya Rio na lang ang meron kami ni Vince..."
Tumatango kong pinunasan ang tumulong luha sa pisngi.
"Naiintindihan ko..."
"I'm sincerely happy for my kuya... kasi pinapasaya mo po siya. Thank you po, Ate Christina...."
Maliit akong napangiti kahit pa may kutob na ako sa punto ng usapin namin.
"Nagbabalak siyang puntahan ka sa GenSan, ate. Nakita kong... may listahan siya sa notebook ng mga gagastusin niya. Pinag-iipunan niya, ate..."
Namilog ang mga mata ko sa gulat.
Pupuntahan ako ni Rio?
"Wala namang kaso sa akin, ate, kung gusto ka niyang makita. K-Kaso... kaso...." Hirap siyang magpatuloy.
BINABASA MO ANG
'90s Clichés
RomanceSet in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileged, she is ready to do whatever it takes to lift herself and her family out of poverty, even if she...