Kapitulo XXXII: 1999 Blues

40 10 2
                                    

If your heart is filled with eternal hope, how do you know when things are utterly not working anymore?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

If your heart is filled with eternal hope, how do you know when things are utterly not working anymore?

"Mag-iingat kayo, ha? Tatawag sa amin, ha?"

It was a hard decision to let Vivian and Vincent go back to Cebu. But, Vivian was very resistant to my defiance. There was nothing I could do, because Rio, whom I expected to oppose, actually agreed.

"Yes, Ate Tin. Kayo rin po, mag-iingat kayo ni kuya," sagot ni Vivian nang may ngiti.

Bumaling ako kay Vincent na kabaliktaran ni Vivian. Halatang-halata ang bakas ng lungkot sa mukha niya. Pinilit ko ang ngumiti nang malawak.

"'Wag masyado magbabad sa games, ha? Magpapakabait ka rin, ha, Vincent?"

Matamlay siyang tumango. Naramdaman ko ang panunubig na naman ng mga mata kaya imbis na ipakita ito sa kanila ay yumakap ako sa dalawa.

"Temporary lang 'to. Things will eventually get better, ha? Pangako namin 'yan."

We will make sure it won't be an empty promise.

"Hindi naman kayo maghihiwalay ni kuya, 'di ba, ate?"

Natigilan ako sa tanong ni Vincent. Lumipat ang mga mata ko kay Rio na nasa likod ng yakap kong si Vivian, dala-dala ang mga bag na ipapasok niya sa bus.

He was only looking intently at me. I cleared my throat and looked away.

"Oo naman. Syempre, hindi."

That, I cannot guarantee if we can make sure that it won't be an empty promise.

"Ma-mi-miss namin kayo, ate..." malungkot na saad ni Vincent na tuluyang ikinapatak ng isang luha ko.

Sa kabila nito ay pumeke ako ng tawa; tinuyo ang mga mata bago kumawala ng yakap.

"Ako rin! Pero magkikita pa naman tayo, ah! May mga aayusin lang kami ni Kuya Rio niyo, ha?"

Tumango silang dalawa. Pinalawak ko ang ngiti at sumilip sa naghihintay na bus.

"Sige na, sakay na kayo, oh!"

Lumapit muna sila kay Rio para yumakap. Muling nagbadya ang pagpatak ng mga luha ko kaya agad akong tumalikod para punasan ang mga ito.

My heart wrestled in pain, sadness and disappointment about how arduous things turned into.

Sobrang sakit na kailangan nilang malayo ulit sa kapatid. Inakala naming maayos na ang lahat, tapos bigla-biglang nagkaganito sa isang iglap. Nagkagulo. Parang bulang nawala lahat ng plano.

Hindi nagtagal ay sumakay na rin sila ng bus. Nakadungaw silang dalawa sa bintana at kumakaway sa aming dalawa ni Rio habang papaandar ito. Malawak ang ngiting kumaway ako pabalik. Dahan-dahang nawala naman nang lumiko na ang bus at hindi namin sila natatanaw.

"They will be fine, Tin..."

Tumango ako habang inaagapan ang mga luhang namumuo na naman. Naramdaman ko ang mga braso ni Rio na pumulupot sa balikat ko.

'90s ClichésTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon