Looks like we made it
Look how far we've come, my baby
We mighta took the long way
"We knew we'd get there someday," mahinang pagsabay ko sa kantang "You're Still the One" ni Shaniah Twain na kasalukuyang nagpe-play sa radyo.
Tumunog ang door chimes. Napatingin ako sa glassdoor at nakita ang pagpasok ng dalawang bagong customer. Lumapit ako sa counter, inayos ang floral bandana headband at sinalubong sila ng matamis na ngiti.
"Welcome to Tracy's Bakeshop, sir, ma'am!"
Ngumiti sila pabalik at sinuri ang mga baked goods na nasa glass display counter. Habang naghihintay ay dumungaw ako sa wall clock. Hindi ko nabantayan ang oras. Pasado alas kwatro na pala!
"Christina, you're still here? It's past four na, ah."
Agad akong yumuko nang kaunti para batiin ang pagdating ni Ma'am Dulce, owner ng Tracy's Bakeshop kung saan ako nirekomenda ni Lola Runing.
"Si Analyn na diyan, tapos na ang duty mo."
Ngumiti ako saka tumango. "Assist ko lang po sila."
Matapos i-assist ang customers ay saka pa ako nagpunta sa crew room para maghanda paalis. Hinubad ko ang floral apron at banda headband saka maayos na tinupi sa loob ng sariling locker. Pagkatapos ay sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri. Inunat ko rin ang sky blue polo shirt at inayos ang pagkaka-tuck in sa denim skirt. Matapos magpabango ay lumabas na rin ako ng kwarto bitbit ang sling bag.
Saktong paglabas ko ay nakasalubong ko si JC, anak ni Ma'am Dulce.
"Hi, hello! You're off-duty na?"
Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman si JC, balak na namang mangulit.
"Are you free ba? Do you wanna eat somewhere with me, Christina?"
Pinanliitan ko ng mga mata si JC. Napanguso siya.
"I mean, Ate Christina."
JC is only 17 and 4 years younger than me. Despite our age gap, he's been openly hitting on me, which I don't really take seriously. He's just a kid who's easily attracted to pretty girls.
"Naku, naku. Ginawa mo na ba homeworks mo?"
Bulakbol kasi itong si JC at panay ang cutting classes. Kaya nga madalas ay hindi nakakapagpigil si Ma'am Dulce na pagalitan siya rito sa shop.
"I'll do my homeworks after our dinner, so please?"
Nag-puppy eyes pa talaga. Mabuti na lang at nasa opisina ngayon si Ma'am Dulce dahil kung makikita niya na naman si JC na kinukulit ako ay mababato na naman siya ng kung ano.
BINABASA MO ANG
'90s Clichés
RomanceSet in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileged, she is ready to do whatever it takes to lift herself and her family out of poverty, even if she...