Kapitulo X: Misa de Gallo

59 8 7
                                    

            Sa totoo lang ay hindi pa ako sigurado sa tunay na nararamdaman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

            Sa totoo lang ay hindi pa ako sigurado sa tunay na nararamdaman. Halo-halo kasi. Nakakalito. Pero sa ilang sandaling pagmumuni-muni ay napagtanto kong nangingibabaw pa rin talaga ang saya.

Masaya ako. Masaya, dahil humihingi siya ng dispensa kahit pa mapapatanong ka kung para saan eksakto. Sa mga sinabi niya ba? Dahil sumama ang loob ko? Sa panghuhusga? Dahil kinailangan ko pang umiwas at magpalipat ng shift sa umaga?

But, I'd like to think that these simple letters of apology pretty much cover everything. Thinking about it makes me genuinely happy.

Pumupuslit din ng espasyo ang lungkot at panghihinayang. Lungkot, dahil hindi niya nagawang humingi ng kapatawaran sa personal. Pero malaking parte rin sa akin ang naiintindihan siya. I have to keep in mind that Rio is not the best in terms of communicating, and it's already hard enough for him to talk about feelings. I still appreciate him for doing this.

At panghihinayang... may panghihinayang.

Last Christmas I gave you my heart

But the very next day you gave it away

This year, to save me from tears

I'll give it to someone special

Isang Linggo pa ang mabilis na lumipas. Nanatili sa parehong ayos ang lahat. Matapos ang duty sa Celerina's ay agad na akong nagpara ng paparating na ordinary bus. Mas mahirap na kasing makasakay sa mga jeep nang ganitong oras sa may shop, hindi gaya sa tapat ng library.

Kaya nga ngayon ay kahit tayuan at parang sardinas na siksiksan sa loob ng bus, sumakay na agad ako. Ayos na rin dahil may pa-sound trip naman ng "Last Christmas" ng Wham! duo.

Once bitten and twice shy

I keep my distance, but you still catch my eye

Tell me baby, do you recognize me?

Well, it's been a year, it doesn't surprise me

Sino'ng mag-aakalang makaka-relate ka sa lyrics ng isang pang-paskong kanta? Wala. Pero pambihira, mukhang ako yata.

Sa dinami-dami ng mga pampublikong sasakyan sa malawak na Maynila, tignan mo nga naman kung sino ang namataan kong nakatayo malapit sa dulong bahagi ng bus.

Si Rio, nakakapit sa bar habang halos nakayuko na sa mababang bubong ng sasakyan; ang mga mata ay nakatuon sa akin na parang kanina niya pa ako pinagmamasdan.

Parang napapaso akong napaiwas ng tingin. Ibinaling ko ito sa bukas na bintana. Ang makita siya matapos ang isang buwan ay halos hindi kapani-paniwala.

Nanatili ako sa parehong pwesto. Kailanman ay hindi ko tinangkang lumingon sa direksyon niya. Sinubukan kong pakiramdam ang sarili. Sinubukan kong alamin kung may nakakapa pa ba akong katiting na inis, lungkot at pagtatampo sa dibdib.

'90s ClichésTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon