Kapitulo XX: Nang Dahil sa AIM Mail

61 12 6
                                        

1997 is quite the year

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1997 is quite the year. So full of turns and twists. A lot of remarkable occurrences happened—tragedies, disasters, deaths of notable personalities and the ongoing Asian Financial crisis.

On the 31st of August, the beloved Princess Diana's sudden passing shocked the world.

Car accident ang cause of death. Sa Paris, habang hinahabol daw ng mga paparazzi.

That was one of the biggest news of the year so far. I bet almost everybody talked about her tragic death. She was everywhere in the TV, radio, newspapers and on the internet. And even after months since that tragedy, she still hasn't left the media scene.

Gaya na lamang ngayon. Kasalukuyang siya na naman ang laman ng balita sa isang local news station. Ginugunita ang mga magagandang alaalang iniwan niya. It is indeed true that people will be remembered for their good deeds and kindness. Same reason why Princess Diana's death is one of the biggest tragedies in history.

"Hay, buhay! Siya pa naman ang pinaglilihian ko!"

Napatingin ako sa isang babaeng nanonood din ng TV. Hinahaplos niya ang may kalakihang tiyan.

"Basta kapag babae ito, talagang Princess Diana ang ipapangalan ko," sabi pa niya sa kasama.

"Ay, nindot, mars!"

Diana... maganda naman talagang pangalan. Simple pero malakas ang dating. Kaya nga sa dinami-dami ng pangalan ay iyon ang napili ko para sa heroine na isinulat ko noon.

Si Diana... halos makalimutan ko na ang tungkol sa kaniya. Tanda ko pa na halos hindi ako makatulog kaiisip sa kwentong binubuo para sa nobela. I was full of passion back when I was still writing her story.

But just like Princess Diana of Wales, my heroine also died along with the little dream I used to have.

"Ate Tina, dito ka na po sa bakanteng computer."

Mula sa TV ay bumaling ako kay Vilboy, anak ng may-ari ng computer shop kung nasaan ako ngayon. Malawak akong ngumiti at umupo na sa monoblock habang naglo-loading ang binuksan na computer.

"May naka-install ng AIM Mail diyan, ate," saad niya na mas nagpalaki ng ngiti ko.

"Salamat, Vilboy!"

Siya naman ay napaiwas ng tingin habang kumakamot sa batok, namumula ang mga tainga pababa sa leeg. Natawa na lang ako.

I patiently waited for the computer to completely turn on, and as soon as it did, I hurried to click the Aol Instant Messenger or AIM Mail. It loaded for at least a minute, but having used to the slow internet, I didn't mind it.

I typed in my screen name and password. Then, after another long seconds of loading, I'm finally in!

Bumungad sa akin ang unread message mula kay Joe. Nang makita kong online siya sa Buddy List ay lumawak ang ngiti ko.

'90s ClichésTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon