Kapitulo IV: Parang Crossword

102 13 16
                                        

               Kung gaano ako nadaliang makakuha ng ideya sa katauhan ng heroine, gano'n naman kahirap na umisip ng pangalan na babagay sa kaniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

               Kung gaano ako nadaliang makakuha ng ideya sa katauhan ng heroine, gano'n naman kahirap na umisip ng pangalan na babagay sa kaniya.

Anna? Karen? Nina?

"Three letters. Pangalan ng sikat na aktor. Kilala niyo?"

Dahil abala sa pag-iisip ng pangalan ay hindi ako nag-abalang sagutin si Janice na nagsasagot ng crossword sa lumang dyaryo.

"Seryoso, Janice? 'Di mo maisip? FPJ, malamang!" iritang sagot ni Ate Grace na kanina pa tinatanong ni Janice. Halos siya na nga ang sumagot sa lahat.

"E, malay ko ba kung TVJ? Tito, Vic, Joey?"

E, kung Vicky kaya? Josie? Parang hindi talaga bagay.

"Ay, ewan ko sa'yo!"

Nasa isang daan na pangalang babae na yata ang dumaan sa isip ko pero ni isa ay wala akong sobrang nagustuhan. Hindi ko alam na ganito pala kahirap pumili ng pangalan.

"Oh, 'eto. Five letters. Pangalan ng batang aktres na namatay no'ng '80s."

I want a very feminine yet powerful name...

"May clue na letter?"

"May 'i' sa huling box-aha! Julei? Julei Vega?"

Napabuntong-hininga ako at nilingon si Janice.

"J-U-L-I-E 'yon."

What if, Julie? Bagay ba?

"Pepsi! Pepsi Paloma!" sagot na naman ni Ate Grace.

Napagpasyahan kong itigil muna ang pag-iisip sa pangalan ng bida. Lumapit ako kay Janice na halos makumpleto na ang crosswords.

"Tama nga! Galing mo, 'te!"

Hindi sinasadyang dumapo ang paningin ko sa katabing page ng dyaro kung nasaan ang sinasagutan niyang crossword. Una kong napansin ang petsa. August 28, 1996 pa pala ang dyaryo na ito. Bumaba naman ang mga mata ko sa malaking title ng balitang may pinakamalaking espasyo sa buong pahina.

Princess Diana at Prince Charles, Opisyal nang Divorced

"Oh? Hiwalay na pala sila?" tanong ni Ate Grace na nabasa rin ang balita.

"Pero tama lang din. May kabit daw 'yang si Prince Charles, e. Ang bait-bait at ganda ni Princess Diana! Makakahanap pa siya ng mas better na lalaki!"

My eyes were fixed on Princess Diana's photo that was used in the article. She was wearing her iconic black, off-shoulder, body-hugging dress-a not-so-appropriate attire for British Royal family members. I read an article sometime in, I think, 1994 that it was a "revenge dress" for her now-ex-husband. I think that's one for the books and will forever be iconic.

Princess Diana is such an icon. Beauty, wealth, elegance, brilliance, a warm and kind personality-she has it all. And, I think I now know what to name my heroine.

'90s ClichésTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon