Kapitulo XV: Plot at Twist

56 8 4
                                    

I used to say that my future was already predetermined

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I used to say that my future was already predetermined. Ever since I lost hope of going to college, I understood that I had to marry someone who would help me escape poverty. They say that education is the key to success, but I just knew it doesn't apply to me.

And, I was okay with that. I was fine with the existing plot line of my life. I was not looking for a plot twist. As long as the succeeding chapters would be anything but bad, then I'm good with that.

That's why I don't quite understand why that modelling offer has been bugging my mind for 3 days now.

"Ano ba 'yang tinititigan mo?"

Mabilis kong itinago sa likod ang hawak na calling card nang madatnan ako ni Tiya Selya na nakatulala rito.

Kaya lang ay hindi ko namalayan si Jimboy na bigla na lang hinablot ito. Bago ko pa man makuha ay nagawa niya na itong nabasa.

"Es.. pring... kele?"

Akmang kukunin ko ang calling card pabalik nang bigla namang hablutin ni Carlota!

"Sprinkle Agency?" kunot-noong basa niya rito pero maya-maya'y napatayo sa gulat.

"Sprinkle Agency?! Bakit meron ka nito?!"

Napabuntong-hininga na lang ako at umupo. "May nagbigay sa'kin..."

"Magtatrabaho ka sa factory ng sprinkles, ate?"

Binatukan ni Carlota si Jimboy. "Tanga! Agency 'to ng mga model at artista!"

Sa sinabi niya ay mukhang doon pa lang naintriga si Tiya Selya.

"Mag-aartista ka, Tinang? Inalok ka?"

Alanganin akong sumagot. "Modelling po—"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla na lang hinampas ni Tiya Selya ang plastik na mesa. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat sa pag-aakalang nagalit siya sa nalaman pero mas laking gulat ko nang masayang-masaya siyang napapalatak pagkatapos.

"Ayan! Ayan ang sinasabi ko, Tinang! Gamitin mo 'yang mukha mo!"

Napakurap-kurap ako.

"Payag... po kayo?"

Si Tiya Selya ay halos batukan na ako. "Malamang! 'Di ba ay matagal ko nang sinasabi sa'yo? Saan ba napunta ang utak mo, Christina?"

Ilang segundo muna akong napatulala kay Tiya Selya; hindi makapaniwalang suportado niya pala ang bagay na ito, hindi gaya ng pag-aakala kong tututol siya at ipagtutulakan lang ako sa pag-aasawa.

Kaya nga ay hindi napigilan ang mapatili at yakapin ang tiyahing naiilang at tinutulak pa ako.

"Ano ba 'yan, Tinang? Lumayo ka nga!"

Natatawa na lang akong bumitaw at sa halip, si Jimboy ang pinagdiskitahan at mahigpit na yinakap.

The reason why the offer never left my mind is because I wanted it. I wanted the scholarship that comes with the modeling job. Even though I never pegged myself as someone who would be in that line of work, I believe I can do anything if I'm determined enough. Going to college was a far-fetched dream for me, and now that an opportunity came knocking, I wouldn't easily let go of it.

'90s ClichésTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon