Kapitulo XXVII: Disco Bar

55 9 12
                                    

And just like that, we're already halfway through the last year of the '90s, 1999

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

And just like that, we're already halfway through the last year of the '90s, 1999.

"Good morning!"

Nakarinig ako ng nagmamadaling mga yabag pababa ng hagdan. Sina Vivian at Vincent, bitbit ang kaniya-kaniyang uniform at nag-uunahan sa CR.

"Good morning, Ate Tin! Congrats, rank 1 ka na naman sa Reader's Choice—Vincent! Ladies first!"

Pero huli na ang lahat dahil nauna nang nakapasok sa banyo ang kapatid niya. Napatadyak naman si Vivian sa inis.

"Bilisan mo, ha!"

"Tatae pa ako!"

"Yuck! Bilisan mo!"

"Tanungin ko muna pwet ko kung papayag!"

Hindi ko mapigilang matawa sa bangayan nila habang nagluluto ng agahan. Si Vivian naman na napipikon ay umupo na lang sa hapag at nilantakan ang tinapay.

"Ihahatid naman kayo ni kuya niyo," pag-aalo ko sa kaniya.

First day of school nilang dalawa ngayon. Fourth year high school na si Vivian habang first year naman si Vincent. Gaya ng kuya nila ay pareho silang seryoso sa pag-aaral. Parehong ayaw na nali-late pero pareho ring late bumangon sa higaan.

"E, Ate Tin! Hahanapin ko pa section ni Jonathan—"

Kusa siyang napatigil nang marinig ang pagbaba ni Rio.

"Who's that?"

Nagkatinginan kami ni Vivian. Nanlalaki ang mga mata niyang umiling sa akin. Kumindat ako sa kaniya bago sinalubong si Rio.

"Good morning, labidabs ko!"

Agad akong tumingkayad para patakan siya ng halik. Nang bumitaw ako ay sinundan niya pa ito. Samantala, rinig na rinig ko ang kunwaring pagsusuka ni Vivian sa itinawag ko sa kuya niya.

"Morning, love. Ang aga mong gumising. Ako na dapat ang nagluto."

Hinila ko siya papunta sa mesa at inihain ang tinimplang kape.

"Bakit ikaw pa? Pagod ka kagabi."

May late night meeting kasi sila kahapon with their US based client. His presence was needed as the senior programmer of his team. My ever excellent Rio was already promoted earlier this year due to his commendable performance and contribution to the company.

It's all because of his pure hard work and determination. No one pulled the strings for him for that promotion.

"Napagod kagabi? Kayo, ah..."

Namilog ang mga mata ko sa malilisoyang tingin ni Vivian.

"Nag-OT kuya mo!"

Itong babaeng 'to! Parang nahahawa na kay Melanie. Dapat siguro ay hindi ko na papuntahin dito ang kaibigan ko?

'90s ClichésTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon