Kapitulo XXIII: Giselle Lacks

59 10 8
                                    

Naalala ko noon, sa tuwing stressed ako sa trabaho o kahit na ano'ng problema, may isang lugar ang naging laging takbuhan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naalala ko noon, sa tuwing stressed ako sa trabaho o kahit na ano'ng problema, may isang lugar ang naging laging takbuhan ko.

EpiComics. Nag-iisa. Natatangi. Paraiso kung ituring ko. Parang magic na napapawi ang pagod ko sa tuwing makakapasok at malalanghap ang amoy ng mga libro.

Palagi ko kasing inaabangan ang mga bagong librong pwedeng rentahan para basahin—minsan, magazines, comics at educational books. Pero syempre pa, nangunguna ang pocketbooks.

Hindi ko inaasahan na matapos ang higit isang taon ay parehong rason pa rin ang magiging dahilan kung bakit ko natagpuan ang sarili sa EpiComics—ang magrenta ng libro.

"Hindi ako makapaniwalang babalik ka pa ng Maynila, Tina! Akala ko ay sa probinsya ka na mag-aasawa!" magiliw na sabi ni Master Bob na tuwang-tuwa sa presensya ko.

Pinalawak ko ang ngiti. Gusto ko sanang makipagkamustahan pa sa kapantay niyang enerhiya pero natuon na ang mga mata ko sa librong hinahanap sa Pocketbook Section.

"Maganda iyan, Tina! Best-seller ang librong iyan!"

He was referring to the pocketbook in my hands. The one that tells Giselle Lax as the author. The one with the familiar book cover. The one that I've seen high school students in Davao were reading. The one entitled Love Through Letters.

Titulo pa lang, pareho na.

"T-Talaga po?"

Kabado, binasa ko ang description ng nobela sa likod ng libro.

"Aba'y oo! Patok sa mga mambabasa!"

It's the story of the smart and beautiful Carina, the only female computer engineering student in a prestigious university, who has no interest in getting romantically inclined. Not until an anonymous writer sent her love letters... hence the title.

"Talaga..."

I couldn't recognize my own voice and the emotions it was draped with.

Description at title pa lang ang nababasa ko. Description at title pa lang.

"Pero marami pang magaganda riyan. Siguradong magugustuhan mo!"

Giselle... my friend... how could you?

"Ito na po ang rerentahan ko."

Inilipat ko ang tingin kay Rio na nasa Textbooks Section. Tahimik lang siya nakamasid sa akin.

"Gano'n ba? Sige, ibibigay ko na sa iyo iyan. Tutal, matagal kitang naging regular na customer at ngayon ka lang ulit napunta rito."

Kahit halo-halo ang nararamdaman ay pinili ko pa ring malawak na ngumiti kay Master Bob.

"Hindi naman po kailangan..."

"Ay, hayaan mo na akong ibigay sa iyo 'yan, Tina. Pabaon ko sa'yo kapag umuwi ka na ng GenSan."

'90s ClichésTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon