In the flourishing spring of 2002, Rio fulfilled his most clichéd promise.
As bewildering as it seems, he has really built me a castle.
"Letter for Christina Escalante!"
Tumayo ako mula sa swivel chair at pansamantalang nilisan ang ginagawa aa computer. Lumabas naman ako agad ng kwarto para kunin ang letter mula kay Frank na isang kartero.
"You're early!" nakangiti kong bulalas. Malawak din ang ngiti niyang inabot sa akin ang sobre ng sulat.
"As I should! I remembered that you have classes in the afternoon, so I prioritized you!"
Napahagikhik ako sa sinabi niya. Kaya sa lahat ng postman dito ay siya ang pinakapaborito ko.
"Dapat lang, kabayan!"
Gaya ko ay OFW din si Kuya Frank. Sampung taon na rin siya dito at hindi niya full-time job ang pagiging kartero. Sa katunayan ay may Filipino restaurant sila dito lang din sa malapit na mina-manage ng asawa't mga anak niya. Aniya, bored lang daw siya kaya tinanggap ang trabaho.
"Basta ikaw, kabayan!"
Humalakhak siya at may kinuha mula sa bag. Namilog ang mga mata ko nang makitang pocketbook ito!
"Oh, 'eto na. Pinaghirapan kong hanapin 'yan, ha. Ang sabi ko, hindi ako babalik ng Amerika 'pag hindi ko bitbit ang pinapadala mo."
Lumukot ang mukha ko sa sobrang saya. Umakto pa akong naiiyak.
"Thank you po! Gracias! Arigato! Kamsahamnida!" madrama kong pagpapasalamat at kinuha na ang pocketbook.
"Ikaw talaga!"
"Nahirapan po kayo? Bakit? Sold out?"
Binasa ko ang title ng pocketbook para masigurong tamang libro ito.
I Am Me by Giselle Lux
"Ah, hindi! Pulled out nga sa mga book stores na napuntahan ko dahil hindi raw mabenta."
Binasa ko ang book description. Napaawang ang bibig ko nang malamang hindi ito romance fiction pocketbook kundi collection of essays tungkol sa self-empowerment.
"Ang daming magagandang libro roon. Bakit mga akda niya mismo ang hinahanap mo?"
Maliit akong ngumiti. "Kaibigan ko po kasi 'yung author."
Matapos umalis ni Kuya Frank ay bumalik na rin ako sa kwarto. Nilagay ko ang natanggap na libro sa may kalakihan kong bookshelf habang binubuksan naman ang sobre.
Ang laman ng envelope ay hindi letter, kundi photocard. Litrato ito mula sa isang sikat na landmark, Sydney Opera House.
Napamaang ako.
"Nasa Australia ka naman ngayon?"
Sinuri ko ang likod ng photocard kung may short message man lang ba pero gaya ng lahat ng photocards na pinadala niya buwan-buwan ay walang kahit na anong nakasulat maliban sa sender nito.
BINABASA MO ANG
'90s Clichés
RomanceSet in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileged, she is ready to do whatever it takes to lift herself and her family out of poverty, even if she...