Kapitulo XXI: Tropical What?!

53 10 14
                                    

At the end of the day, we will always choose the less hard way

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At the end of the day, we will always choose the less hard way.

Not the easy route as nothing's ever easy for people with little to no options like me. Just less hard. Less complicated, less impractical.

Months passed by like a total blur. The days were all identical that you wouldn't remember which day is which. Pare-pareho lang. Walang kakaiba at naiiba. Parang dumaan lang ang mga linggo dahil kailangan. At lumipas lang ang panahon dahil nakatakdang matapos ang bawat buwan.

Parang kailan lang nang pumasok ang 1998. Sino'ng mag-aakalang August na ulit ngayon?

"Wala si Melanie dito, hija."

Wala ba talaga?

"Gano'n po ba?" nasabi ko na lang.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Tita Marissa. "Tumawag ka na lang sa susunod…"

Sigurado akong nandiyan si Melanie. Ayaw lang ako kausapin.

"Sige po, salamat po."

Napabuntong-hininga na lang ako at nagbayad sa payphone para sa limang minutong hindi ko naubos. Sa tuwing tatawag ako kay Melanie ay naging ganoon palagi ang eksena. Nagsasayang lang ako ng barya.

June ended without me, being able to visit her in Manila. I was unable to attend her graduation, too. Melanie just stopped talking to me ever since.

At naiintindihan ko. Malaki ang tampo niya sa akin. Pero ano namang magagawa ko? Kahit pa sagot na niya ang pamasahe ay hindi ko naman magagawang mag-leave sa trabaho nang matagal. Sa byahe pa lang balikan ay luging-lugi na ako.

Gustong-gusto kong suyuin ang best friend ko. Pero... paano naman kung ganitong ayaw niya akong kausapin? Wala naman akong ibang magagawa.

Bakit ba lagi na lang akong walang nagagawa?

"Tapos po? Magkakatuluyan ba kami ng honeypie ko?"

Pagbalik ko sa loob ng salon ay naabutan ko si Mary Jane na kinakausap si Aling Trudis habang nagpapalinis ng mga kuko sa paa. Si Lorna naman ay nagpapaayos ng buhok. Sabay-sabay kami ng day off ngayon at saktong kasasahod lang din kahapon kaya 'eto, naligaw kami sa salon.

"Hmm..."

"Bakit po?" kabadong tanong ni Mary Jane sa matanda.

"Sigurado ka bang gusto mong malaman?"

"Oo naman po!"

Mas sinuri pa ng manghuhula ang mga palad ni Mary Jane na bagong pedicure lang at basa pa ang cutics.

"Wala ka namang nobyo, hija."

Napahagalpak kaming dalawa ni Lorna ng tawa sa binunyag ni Aling Trudis.

"Magaling ka talagang manghuhula, Manay Trudis!" sabi ni Lorna.

Ako naman ay hindi pa naaawat sa pagtawa. Kahit nang tawagin ako ng nabakanteng parlorista at paupuin sa tapat ng salamin ay tawang-tawa pa rin ako!

'90s ClichésTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon