Kapitulo VI: Arbor na Kilometrico

85 14 7
                                        

               Lumaki akong pinapaligiran ng mga taong kagaya namin na lugmok sa kahirapan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

               Lumaki akong pinapaligiran ng mga taong kagaya namin na lugmok sa kahirapan. Mula GenSan at kahit dito sa ka-Maynilaan ay walang kaibahan.

Sa probinsya namin, kung hindi palayan ay koprahan naman ang pangunahing pinagmumulan ng kabuhayan. Sobrang hirap ng buhay. Iyong tipong kung sino pa ang nagtatanim at nag-aani ng palay, sila pa itong walang bigas na naisasaing at nahahain sa hapag.

Akala ko noon, mayayaman ang mga taga-Maynila. Matataas kasi ang mga gusali, maraming pasyalan, maraming dumadayo-urbanisado. Pero mali pala ako. Mali, dahil sa likod ng nagtataasang mga gusali ay ang mga dikit-dikit at tagpi-tagping bahay kung saan naninirahan ang mga gaya rin naming pinagkaitan.

At alam kong hindi lang talamak ang kahirapan sa Maynila at GenSan. Marami pang sulok ng Pilipinas ang apektado nito. Iba-ibang tao. Iba-ibang kwento. Iba-ibang pinagdadaanan. Iba-ibang patutunguhan. Kaniya-kaniyang paraan.

Kaya ano'ng karapatan ang meron ako na kwestyunin ang desisyon ng isang tao?

"Kaya mo talaga?"

Not that he needs my permission, but that was my way of letting him do it.

Rio firmly nodded. I nodded, too.

"Labas lang ako. Papasok din ako maya-maya."

I can't just watch him suture his own wound. I would pass out.

Lumabas ako ng clinic at naglakad papunta sa hardin na halatang hindi na naalagaan. I sat on the white outdoor bench on the patio and roamed my eyes around the Agustin residence.

If they really own this place, then that makes them well-off-undoubtedly rich. But, it appears that the house and the clinic were abandoned. And, I heard Bryan and Rio talk about the latter's father's loan. I'm aware of Rio's refusal, too. And now, this hazing happened.

I'm certain that Rio joined a fraternity, and just tonight, the initiation happened. But, what for? Protection? Money? Connection?

I wanted to think about why he did that, but whatever the reason is, I should never judge. We all have our own methods to survive. After all, we have our own lives to mind.

Ang orihinal kong plano ay magpalipas muna ng isang oras bago bumalik sa loob ng clinic. Pero dahil sa pinagsamang pagod at antok ay hindi ko namalayang nahulog na ako sa kahimbingan.

Nagising na lang ako nang kagatin ng lamok sa pisngi. Irita ko iyong sinapo pero sa huli ay napakamot na lang. Dahan-dahan kong naidilat ang mga mata. Bumungad sa akin ang isang bulto ng taong nakaupo sa katapat na upuan.

'90s ClichésTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon