Lucky are those who were raised surrounded with love. As someone who came from a broken family, I didn't grow up thinking that love was such a necessity. People around me cared more about surviving than focusing on the idealistic thing called love.
Ngayon ko lang napagtanto na hanggang ngayon ay wala pa rin namang kaibahan. Sa buhay na kinagisnan ay tila hindi uso ang unahin ang pagmamahal at nararamdaman.
"Tinang, bakit pakunti nang pakunti ang mga natatanggap mong sulat?"
Problemado si Tiya Selya habang pinagmamasdan ang tatlong sobre sa mesa. Kahapon pa daw ang mga ito na hinatid ng kartero kaya ngayong kapapasok ko lang ng kusina ay iyon agad ang bungad niya.
"Sumulat ka man lang ba pabalik sa mga iyon? Bakit parang hindi na sumusulat pabalik?"
Nilunok ko ang nginuyang pandesal. "Ewan ko, tiyang. Baka nagsawa na."
Pakaunti nga nang pakaunti ang pen pals ko. Dati ay nasa walo o pito silang lahat pero ngayon ay dalawa hanggang apat na lang ang natitirang sumusulat.
"Nagsawa? Baka masyado ka naman kasing nagpapakipot?"
Hindi na lang ako sumagot dahil wala ako sa mood makipagtalo. Ang tingin kasi ni Tiya Selya sa hindi ko pagmamadali ay pagpapakipot.
"Hindi mo naman kailangang magpakasal agad, Christina. Pero 'wag mo namang pakawalan! Aba! Sayang din ang mga pen pal mong hindi na sumusulat pabalik sa'yo! Pinaghirapan ko pang ipadala noon ang pangalan at litrato mo—"
"Hindi gano'n, tiyang. Kung mabilis silang mainip, ibig-sabihin lang no'n na hindi sila ang dapat kong piliin."
"Pa'no mo nasabing hindi sila dapat piliin? E, pwedeng-pwede mo naman sanang gawin silang nobyo nang sabay-sabay at 'tsaka ka na lang mamili—"
"Ayoko ng gano'n, tiyang," matigas kong pagkakasabi.
Si Tiya Selya naman ay natigilan at napatitig sa akin. Pagod akong umiwas ng tingin.
"May nagugustuhan ka ba dito?"
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa mainit na tasa.
"Sinabi ko sa'yo, Christina, ha. Wala kang mapapala sa mga Pinoy. Maliban na lang kung makakahanap ka ng mayaman, ayon ang mainam."
Mariin akong napalunok.
"Mas sigurado pa rin kapag foreigner! Kaya naku! Kung may nagugustuhan ka man, tigil-tigilan mo na 'yan—"
"Wala akong gusto."
Sa kahit sino. Dito. Wala. Dapat. Dapat lang na wala dito sa kahit sino.
"Ma! 'Yung pang-project ko, nasa'n na? Kanina pa 'ko nanghihingi, e!"
Sinamantala ko ang pag-eksena ni Carlota at binilisan ang pagkain.
"Project-project! Puro na lang project! Akala mo naman, mataas ang grado, e, puro naman palakol!"
BINABASA MO ANG
'90s Clichés
RomanceSet in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileged, she is ready to do whatever it takes to lift herself and her family out of poverty, even if she...