Set in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life.
Growing up unprivileged, she is ready to do whatever it takes to lift herself and her family out of poverty, even if she...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
When I said that change is constant, and anything can happen anytime and anywhere to anyone, I really mean it. Simply because that's the truth. So I wished that I would be more adaptable to changes and flexible for adjustment.
But, developing feelings for Rio seems to be a different case.
"Hindi. Hindi na pwede."
Pinigilan ko ang pagbagsak ng balikat. Sa halip, nakangiti akong tumango.
"Naiintindihan ko po."
Sinilip ako ni Miss Heidi mula sa ilalim ng salamin. "May OJT pa rin si Marnie kaya hindi pwede. Bakit gusto mo uling magpalipat ng umaga?"
Wala akong inihandang rason o palusot. Hindi ko naman kasi inakalang itatanong ko ito. Bigla ko na lang naitanong at nagbaka sakali.
"Ah, wala naman po. Natanong ko lang..."
At nalaman ko ang sagot. Hindi pwede. Hindi na ako makakaiwas sa parehong paraan.
"Pakikuha na ang pina-print ko kay Rio."
Nakangiti akong tumango at tumalikod na. Siyang pagharap ko naman sa pinto ay ang pagbukas nito. Bumungad sa akin si Rio, may dala ng mga papel at nakakunot ang noo.
"Magpapalipat ka?"
Namilog ang mga mata ko. Narinig niya?
"Ha? Hindi, hindi..."
Halos mataranta na ako at hindi ko maintindihan kung paanong nangyaring magkaharap lang naman kami ay inaatake na ako ng kaba.
"Natanong ko lang."
Rio doesn't seem content, though. So I rushed to leave the office, because to be in the same closed space with him oddly suffocates me.
Nakahinga ako nang maluwag pagkalabas. Huminto rin ako sa tapat ng isang shelf at sinampal ang mga pisngi.
"Para kang tanga, Tin!" sermon ko sa sarili.
Simula yata nang aminin kong may gusto nga ako kay Rio, mas lalo lang ako lumalala! Dati naman ay kapag may ginagawa o sinasabi lang siya, saka naghuhumerantado ang puso ko. Pero ngayon? Presensya lang, nababaliw na ako!
"Excuse me, miss..."
Akmang sasampalin ko pa sana ang sarili nang may kung sinong nagsalita. Paglingon ko ay nakita ko ang dalawang college student na tila kabadong nakangiti sa akin.
"Ikaw si Christina Escalante?"
Nagtataka akong mabagal na tumango.
"Bakit?"
Paano nila ako nakilala?
"Sabi ko na, e! Ikaw 'yung nasa tourism video ng St. Dominic, 'di ba?" ngiting-ngiti niyang tanong.
Nahalata siguro ng isa niyang kasama ang pagtataka ko kaya siya na ang nagpaliwanag.
"Napanood ka namin sa video nong Saturday, sa auditorium. Gandang-ganda talaga kami sa'yo. Para kang si Phoebe Cates. Pwede bang—"