On the last day of my short trip in Manila, I found myself inside an expensive café and comfortably seated on a soft cushion. The food and drinks Rio ordered for me remained untouched as my full attention was paid to the book I've been reading—the book under Giselle's name, because I will meet Giselle here.
Hindi ko alam kung ano ang ginawa o gagawin ni Rio para mangyari ang pagkikita namin pero hindi na mahalaga iyon. Kailangan ko siyang makausap.
Ilang oras din ang ginugol ko simula kaninang umaga para tapusing basahin ang libro na ipinagpatuloy ko rito. At sa sandaling mabasa ko ang pinakahuling pahina ay hindi ko alam ang dapat na maramdaman.
Hindi ko natapos sulatin ang nobela ko. Pero napakalaking porsyento ng mga sinulat ko ang inangkin niya. At kahit ang mga detalye ng kwento na hindi man naisulat, ay nailahad ko naman sa kaniya,
—nagawa niya ring gayahin.Mula sa plot twist kung saan malalamang kababata pala ni Diana ang anonymous writer na sumusulat sa kaniya, hanggang sa kaklase niyang nagsilbing kartero ng mga liham—ang second lead na siyang dapat na makatuluyan sa ending ng kwento.
Pero dahil hindi ko nagawang tapusin ang pagsusulat ay si Giselle na mismo ang sumulat ng sariling ending ng kwento. Pagkatapos ng huling sinulat ko sa notebook, naging ibang-iba ang naging daloy ng kwento sa plinano kong sulatin noon.
At kung nagawa kong matapos ang nobela, ibig-sabihin ba ay talagang gagayahin niya mula umpisa hanggang dulo?
"Chris… tina...?"
Mula sa libro ay inangat ko ang mga mata sa kararating lang na si Giselle. Agad kong napansin ang pagbabago ng istilo niya at pananamit. Wala na rin ang salamin at mukhang pinalitan ng contact lense. Mas naging klaro nga lang sa akin kung paanong mukha siyang nakakita ng multo ngayon.
"W-What are you... why... where's... where's Rio?"
I timidly smiled that didn't reach my eyes as I gestured to her to take a seat first. She obliged, obviously distraught by my presence.
"I... didn't know you're back. Kailan pa? Are you here for good? Are you with... with Rio?"
Sumimsim muna ako sa iced tea bago sumagot.
"Hmm, kababalik ko lang. Aalis din ulit ako. Kasama ko si Rio pero pinili kong mag-isang makipagkita sa'yo."
Where is, by the way? I hope he's not waiting inside his car right now.
"Nasagot ko ba ang mga tanong mo? Pwedeng ako naman?"
Bumaba ang tingin niya sa librong tinulak ko papalapit.
"Paano mo..."
Maliit akong ngumiti kay Giselle na bakas na bakas ang kaba sa mukha.
"Paano mo nagawang magnakaw ng istorya, Giselle?"
BINABASA MO ANG
'90s Clichés
RomanceSet in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileged, she is ready to do whatever it takes to lift herself and her family out of poverty, even if she...