I remained true to my words. Hindi na ako kailanman pa nakipaglapit kay Rio. Wala lang naman sa akin dahil naiintindihan ko naman ang gusto niyang mangyari. Minsan lang talaga ay gusto kong mapairap o mapangiwi kapag naaalalang inakalang niyang may gusto ako sa kaniya.
Nakakahinayang lang dahil sa kaniya ko pa naman hinango si Diana. Akala ko pa naman ay magiging close din kami kalaunan.
"Pa-photocopy?"
Ngumiti ako kay Erick nang iyon ang naging bungad niya sa akin pagkapasok ko ng internet room. Agad nitong kinuha ang bugkos ng mga papel na dala ko para asikasuhin.
"Ako na dito, 'tol!"
Naaninag ko si Rio sa may station niya at nakatingin sa gawi namin. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Diretso lang akong sumunod kay Erick.
"Tapos 'yon, kinawayan ako. Ang liit-liit lang pala ni Jolina Magdangal sa personal," kwento ni Erick.
Kanina pa kami nagkukwentuhan habang isa-isang pinapa-photocopy ang mga papeles. Ang ate daw niya kasi ay staff sa Gimik na sikat na palabas ngayon sa TV. Kwento pa ni Erick ay nakita niya na rin sina Marvin Agustin, Judy Ann Santos, Mylene Dizon at iba pa.
"Si Rico Yan? Nakita mo?" excited kong tanong.
Bihira na akong makapanood ng TV dahil sa dalawang trabaho ko pero noon, lagi ko talagang inaabangan si Rico Yan. Safe to say that he's my ultimate celebrity crush!
"Hindi, e. Pero si Patrick Garcia, oo! Tapos 'yung kapatid niyang si... si Cheska ba 'yon?"
Napagilid ako nang dumaan si Rio sa banda namin. Nasagi pa ang siko ko pero hindi ko na pinansin.
"Basta 'yung tisay? Sobrang ganda, Tina!"
Sobrang saya ni Erick na nagkekwento kaya napatawa na rin ako. Kaya lang ay napahinto dahil muling dumaan si Rio galing sa likod ko.
"Pero mas maganda ka pa rin," nakangising sabi ni Erick na nagpamaang sa akin.
Muntik ko na siyang mahampas ng mga papel kung hindi lang huminto si Rio at pinagitnaan kami sa Xerox machine.
"Ito muna," sabi nito at walang pasintabing inunang ipa-photocopy ang dalawang pirasong papel na hawak niya.
"'Di mo ba naisipang mag-artista?"
Hindi ito ang unang beses na binato ako ng parehong tanong. Ang totoo niyan, simula bata pa lang.
"Wala akong talent," kibit-balikat ko.
"Maaaral naman 'yung acting, e. Mag-artista ka na! Tapos 'pag sumikat ka, ipasok mo rin ako kahit extra lang."
Nang kunin ni Rio ang mga papel ay mas lumapit siya sa machine, dahilan para maharangan niya ang view ko kay Erick. Ibinanda ko ang ulo para masulyapan ang kausap.
BINABASA MO ANG
'90s Clichés
RomanceSet in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileged, she is ready to do whatever it takes to lift herself and her family out of poverty, even if she...