In a snap, it feels like everything collapsed.
"Ano daw sabi ng doktor, 'nang?"
Tumulo ang panibagong grupo ng mga luha. Kahit pa nakamasid si Aling Nita at ang mga bumibili sa tindahan ay hindi na ako nag-abalang punasan pa.
"H-Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ng doktor, Tinang, pero... pumutok yata ang appendix ni tatang..."
Mariin akong napapikit at nagpakawala ng hikbi.
"N-Nakakalason daw 'yon kapag kumalat aa katawan..."
"Kumusta na si tatang? Naoperahan na ba?"
Marahas na napasinghap si Ate Susan. "Ayaw ni tatang! Sabi ng doktor, posible raw malason ang dugo niya at ikamatay kapag napabayaan!"
"Ano?!"
Nahihibang na ba si tatang?!
"Bakit ayaw niya?! Kailangan niyang maoperahan—"
"Pinoproblema ang gagastusin sa ospital, Tinang. Saan naman daw kukunin—"
"Edi gagawan natin ng paraan!"
Hindi ako makapaniwala sa mga kapatid ko! Paanong hinayaan nilang hindi mapilit si tatang na magpaopera?!
"Kinakausap na ni Manang Lileth si Lola Runing..."
Natigilan ako sa narinig.
"Susubukang humingi ng tuloy pang-down sa ospital..."
Si Lola Runing ay ang matandang dalaga at mayamang tiyahin ni tatang. May malaking grocery stores siya sa Davao pero kahit nakakaangat sa buhay ay mahirap siyang lapitan.
"Pero sigurado akong mas lalo lang aayaw si tatang—"
"Uuwi ako."
Hindi pwedeng hindi maoperahan si tatang.
"Uuwi ako, nang. Pakisabi kay tatang. Hindi ako papayag na pagdating ko diyan ay bangkay na niya ang dadatnan ko—"
"'Wag mo sabihin 'yan!"
"Pero 'yun ang mangyayari, 'nang, kung hahayaan niyo siyang hindi magpaopera!"
Sa sobrang bugso ng damdamin ay hindi ko na namalayan ang pagtaas ng boses. Kahit ang mga napapadaan sa tindahan ay napapatingin sa akin. Ang tinderang si Aling Nita naman ay yamot na yamot na sa hindi marinig na TV.
Huminga ako nang malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili.
"Babyahe na ako agad ngayong araw."
Alam kong biglaan ang desisyon kong ito pero hinding-hindi ko hahayaang may mangyaring hindi maganda kay tatang. Para bang nawalan na ako ng pakialam sa lahat ng bagay dahil ang isip ko ay napuno ng pag-aalala tungkol sa kalagayan niya.
"Christina! Hindi mo man lang ba pag-iisipan ito?" si Tiya Selya na sumunod pa sa akin sa kwarto.
Hindi ko siya tinapunan ng tingin at nagmamadali lang na nag-empake ng mga damit papasok sa bag.
BINABASA MO ANG
'90s Clichés
RomanceSet in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileged, she is ready to do whatever it takes to lift herself and her family out of poverty, even if she...