I was extra excited to come to work in the library the next day. Spending my Sunday with Rio is simply one of the best things that ever happened to my life this year. I never thought he would mean this much to me.
I feel like we've gotten closer to each other after yesterday, and the bond we share is something that we both really treasure. I found a friend in him, and I think he thought so, too.
"Good afternoon!" bati ko kay Sabel pagkapasok ko ng library.
"Uy! Nasa Glorietta Makati ka ba kahapon? Parang nakita kita."
Namilog ang mga mata ko at mabilis na tumango. "Oo! 'Di kita nakita. Dapat tinawag mo 'ko."
"Tatawagin sana kita kaso may pupuntahan pa kami ng boyfriend ko."
May mantya ng malisya ang pagngiti ko sa sinabi niya. Natawa si Sabel.
"Matagal na kami! E, ikaw? May kasama kang lalaki kahapon, ah? Matangkad. Hindi ko lang nakita 'yung mukha..."
Nanlaki ang mga mata ko at natatawang umiling. "Uy, hindi! Kaibigan ko lang 'yon..."
Dapat bang banggitin kong si Rio ang kasama ko kahapon?
"Talaga ba? E, nakita ko, dala 'yung bag mo tapos nakabuntot lang sa'yo."
Saglit akong natigilan dahil sa sinabi ni Sabel. Sinubukan kong alalahanin ang nangyaring iyon. Hindi ko na masyadong maalala pero nasa Gift Gate yata kami no'n ni Rio...
"Kaibigan lang talaga..." ulit ko.
Matapos mag-report kay Miss Heidi ay nagsimula na agad ako sa trabaho. Nang matanaw ko si Rio na abala sa internet room ay sinubukan kong kumaway. Pero mukhang hindi niya ako nakita. Inaabangan ko nga kung may ipapahatid siya sa aking mga papel kay Miss Heidi pero wala pa naman. Ayoko namang basta na lang pumasok sa loob dahil crowded na ang kwarto.
Habang kinukuha ang mga iniwang libro sa mga mesa ng reading area ay saktong nagtagpo ang mga mata namin ni Rio. Malawak akong ngumiti at kumaway pa sa kaniya pero ang suplado, umiwas lang ng tingin na parang hindi ako nakita.
"Sungit pa rin..." bulong ko sa sarili.
Gano'n naman talaga si Rio pero kapag kinausap ko, madalas naman na ang pagngisi at pagtawa niya.
Kaya naman nang makita ko siyang dumaan habang nagsasaayos ako ng mga libro sa shelf ay agad ko siyang kinamusta.
"Busy?"
BINABASA MO ANG
'90s Clichés
RomanceSet in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileged, she is ready to do whatever it takes to lift herself and her family out of poverty, even if she...