I thought I could easily face Rio. I thought I could confront him. I thought I could have the strength to drag him home.
But all I managed to do was to rush outside with my flaring chest and flooding eyes.
"Tin!"
Hindi ako nagtangkang lumingon. Nagpatuloy ang malalaki at mabibilis kong hakbang.
"T-Tin!"
Pinalis ko ang panibagong luhang tumulo. Hindi pa rin ako huminto. Tuloy lang sa paglalakad papunta sa kung saan.
"Tin! Please! I'm sorry!"
Doon lang ako tuluyang napapreno. Sa halos walang laman na kalsada at sa ilalim ng poste ng ilaw habang ang gabi ay tahimik at payapa.
Pero hindi ako. Hindi ang isip ko. Hindi ang puso ko. Kabaliktaran ko ang gabi.
"L-Love... I'm sorry... I'm sorry, please... I'm sorry, love..."
Marahas kong pinunasan ang basang mga mata gamit ang likod ng palad.
"Sorry? Sorry kasi hindi mo ako sinama sa party?"
Pagak akong natawa.
"Kasi kung hindi iyon, para saan pala ang sorry mo?"
Tinignan ko siya sa mga mata habang may dalawang metro ang distansya.
"'Di ba sabi mo, walang mali? Walang problema? Na wala akong dapat ipag-alala?"
Ang sinungaling niya.
"T-Tin, please..."
"Ano?! Ano, Rio?!" I screamed.
"Ano 'to?! Bakit ganito?! Paano nagkaganito?!"
Paano niya nagawa iyon?!
"Sumagot ka, Rio!"
He tried to walked closer to me, but my step back stopped him. His weeping eyes pleadingly met mine.
"Tin... I'm really sorry--"
"'Wag ka sa akin humingi ng tawad, Rio! Humingi ka ng tawad sa mga taong dadayain niyo!"
Humingi siya ng tawad sa mga inaabot ng madaling araw sa library! Sa mga pamilyadong pinagsasabay ang pagre-review at pagtatrabaho! Sa mga taong nahihirapan man pero lumalaban nang patas!
"Ang... ang dadaya niyo..." hindi makapaniwalang asik ko.
"Tin-"
Sinubukan niya muling lumapit pero mas umatras lang ako.
"Spyware? 'Yun ba 'yon? 'Yun pala 'yon?"
A type of malware that steals sensitive information? So, he used that for them to cheat?
"What exactly did you do? Did you penetrate their system to get the questionnaires in advanced?"
How did he even do that? He's that skilled? And he chose to use his talent to support the rich's whims?
"How did you do it? Gaano katagal? Gabi-gabi ba? Kaya pala hindi naman talaga nag-o-vertime?"
He couldn't say a word. All I got is his heavy breathing.
Ano? Hindi siya makapaniwalang nabisto ko siya?
"Ang galing mo pala. Nagawa mo 'yon? Congrats sa inyo!"
Pagak akong natawa at napasuklay sa buhok.
"Paano kayo nakakatulog nang mahimbing, ha? Paano?"
He shut his eyes tightly like he's in great pain.
BINABASA MO ANG
'90s Clichés
RomanceSet in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileged, she is ready to do whatever it takes to lift herself and her family out of poverty, even if she...
