Set in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life.
Growing up unprivileged, she is ready to do whatever it takes to lift herself and her family out of poverty, even if she...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hangga't maaari, palagi kong iniintindi ang mga tao at bagay-bagay gaano man kasama ang sitwasyon. Paano, nasanay kasi. Walang mangyayari kung paiiralin masyado ang emosyon. Pero may mga piling pagkakataon din talaga na nasusubok ang mahaba kong pasensya.
"Ano ba naman kayo?"
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa telepono.
"Manang Susan naman?! Bakit hindi kayo nagpaplano?! Wala pang isang taon si Aida, 'nang!"
Sa sobrang inis ko ay wala na akong pakialam sa tumataas na boses. Napatingin pa nga sa gawi ko ang matandang bantay ng tindahan at may-ari ng telepono. Pinalakasan pa ang TV at pabagsak na nilapag ang remote.
"E, nariyan na, e! Wala ng magagawa, Tinang—"
"May magagawa sana kung nag-iisip kayong mag-asawa!" pigil kong pagsigaw.
"E, nabuo na nga! Alangan namang ipalaglag ko ang pamangkin mo, Tinang? Kasalanan iyon sa Diyos."
Napapikit na lang ako sa sobrang inis. Kung pwede lang ay kanina ko pa dinurog ang telepono.
"At wala kang kasalanan sa bata na idadamay mo pa sa mahirap na buhay?"
I will never understand financially unstable people who bring children to this already cruel world.
"Tinang naman… kahit pangbigas lang muna. Mag-uumpisa na naman na sa trabaho si Ador sa makalawa—"
"Mag-uumpisa na naman? Palagi na lang umpisa, 'nang? E, hindi na nagtagal ng ilang buwan sa trabaho 'yang asawa mo, ah."
Mabait si Kuya Ador. Malambing at mapagmahal na asawa at ama. Pero hindi sapat iyon para bumuhay ng malaking pamilya. Paano nila nagawang magdagdag pa ng isa?
"Christina, 'wag kang ganiyan sa Kuya Ador mo."
"At 'wag rin kayong ganito sa akin."
Gumigising ako ng alas syete tuwing umaga para magtrabaho at makauwi sa bahay ng pasado alas dyes. Kung hindi ko lang mahal at pinapahalagahan ang ginagawa ko ay baka matagal na akong sumuko.
"Kapapadala ko lang no'ng undas, 'Nang Susan. Ako rin ang nagbayad ng kuryente at tubig sa amin. Nagbigay rin ako pandadag upa at pangkain kay Tiya Selya."
Nakita ko ang pagsenyas sa akin ng tindera na patapos na ang ilang minuto sa ibinayad kong limang piso. Umiling ako para iparating na hindi na ako mag-e-extend pa.