I took my seat. The waiter brought us the menu. We ordered. Then, we waited for not less than 10 minutes. The food was finally served. So I ate in silence. He also did--in silence, too.
Walang nagsalita hanggang sa halos matapos na kami sa pagkain.
Pambihira. Kung hindi ko pa siya narinig na magsalita kanina, iisipin kong deaf and mute itong si Frijolito Butay. Hindi kailanman sumagi sa isip ko na magiging ganito siya katahimik. Iyong uri ng tahimik na akala mo ay isang libo ang presyo ng bawat salitang lumalabas sa bibig.
All I could do was roam my eyes around the resto throughout the waiting time, and now, eat this Italian pasta with a name too hard to pronounce and even recall how it sounded. I've never been in a situation this awkward before. I'm a very outgoing person; always easy to get along with. But with this one, I couldn't easily break the ice.
His intimidating aura reminded me of one particular annoying character-the dominant Ryan Fraine.
"Sorry ulit, na-late ako..."
Nagpasya akong putulin ang nakakabinging katahimikan.
"Nanood pa kasi kami ng sine ni Mark."
Hindi siya natigilan o nasamid man lang; tuloy lang sa pagnguya na parang walang narinig na nakakabahala.
"Tapos nag-aya ring kumain si Reynald. Tumanggi naman ako pati kay Joseph kasi nga, may date tayo."
Doon na, sa wakas, natigilan ang lalaki. Uminom siya ng iced tea bago ako inangatan ng tingin.
"Alin doon ang boyfriend mo?"
Ako naman ang natigilan. Oo nga pala. Kahit tatahi-tahimik itong si Frijolito ay in love nga pala siya kay Melanie-gamit ang picture ko.
"Mga manliligaw pa lang naman..."
Pero kung tutuusin, tama lang naman na malaman niyang marami akong lalaki sa buhay ko para hindi na siya umasa sa akin.
"Pero lahat, hindi ko sini-seryoso. Wala pa kasi talaga sa isip ko ang magka-relasyon. Date-date lang."
Kaswal akong ngumiti. "And uuwi na rin kasi ako sa US next week. You know why?"
Nag-isip ako ng idudugtong sa kasinungalingan kahit pa sobrang liit na pagtaas ng isang kilay lang ang reaksyon niya.
"May family business kasi kami sa New York. Gusto ni dad na aralin ko na ang pag-ma-manage no'n. You know, I'll eventually take over his position as the CEO of our company."
Gustong-gusto ko nang matawa sa mga pinagsasabi ko pero naawat ang sarili nang maisip ang posibleng butas sa kwento.
"Nabanggit ko bang nursing student ako? Apparently, my dad wants me to quit na. I guess, I'll study na lang din sa US, and eventually, I'll take my master's degree na rin siguro."
BINABASA MO ANG
'90s Clichés
RomanceSet in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileged, she is ready to do whatever it takes to lift herself and her family out of poverty, even if she...