05

25 2 0
                                    

-

"Tara nomi?" Pang-aaya nila Ate Vhia pero nanahimik lang ako.

"Guitar!" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Thym maging ang mga kasama ko.

"Huh?" Tanong ko.

"Guitar, gitara, ge-tara." Sunod-sunod na sinabi ni Thym kaya natapos ang pag lo-loading ng utak ko.

"Pangit ng sino-marami mo!" Binuksan ko ang pintuan ng mustang ko at hindi sila pinansin.

Kalalabas lang namin sa hospital at tingin ko ang sunod na pupuntahan namin ay club.

Na-cancel na din yung pag punta ko sa condo ni Tj at next time nalang niya daw ichi-chika sa'kin kung ano man 'yon.

May biglang tumawag sa phone ko kaya napatingin ako dito, akala ko kung sino..

"Oh?"

[Ano gamit mong kotse?] Tanong ni Ate Fin sa kabilang linya.

"Holaan." Bumungisngis ako at tumingin sa unahan, nakaparada pa rin ang mga kotse ng mga kasama ko na parang may inaantay.

[Ano nga? Ka-leleave ko lang. Andiyan pa ba kayo sa parking?] Kunwari akong nagulat.

"Hala! Hindi ka nagsabi! Nakaalis na kami, on the way na kami sa club." Nakangising sabi ko.

[Pag nakita ko kot-]

"Just kidding, andito pa kami sa parking inaantay ka boss. Bagal mo eh 'no? Naka mustang ako." Narinig ko pa ang pag-'tsk' niya sa kabilang linya bago niya ako patayan.

Ilang minuto ang lumipas, may pamilyar na pigurang kumatok sa bintana ko kaya nag lean ako dito at pinagbuksan siya ng pintuan.

"What's up Doc! Kelan po ako mamatay?" Bati ko kay Ate Fin at siring lang ang binalik niya sa'kin.

"Doctor ako hindi, manghuhula." Natawa ako sa sinabi niya, 'nga naman!

"Sungit!" Hindi niya ako pinansin at nag tipa sa telepono.

Nag seatbelt na ako at bumusina muna bago paandarin ang kotse nakatanggap pa ako ng batok dahil sa biglaan kong pag papatakbo.

Nauna kaming dumating sa club at nagtaka pa ako dahil may biglang lumapit sa table namin.

Ate Fin! Asa'n kana?!

Sabi na eh, dapat sumama ako kay Ate Fin sa banyo. Nakakaiyak.

"Hi!" The girl sat down beside me at nginitian ako, ngumiti lang ako pabalik at hindi na nagsalita.

"Are you alone?" Tanong niya.

"No." Tipid kong sagot.

Binalot kami ng katahimikan sa table pero ramdam ko ang tingin niya sa'kin kaya nakaiwas ako ng tingin.

Sino ba 'to? Bayad na mga utang ko ah!

"I'm love, what's your name?" Ramdam kong lumapit pa siya sa'kin kaya lalo akong napako sa inuupuan ko.

"W-wyane." Lumapit nanaman 'tong babae sa'kin at mukang sinu-suri nito ang muka ko.

Ate Fin, asaan na kayoo??

Mangiyak-ngiyak kong sabi sa utak ko.

"Do you have boyfriend?" Tanong niya sakin na inilingan ko lang habang kunwaring nakatingin sa mga taong dumadaan sa table namin.

".. girlfriend?" Napakunot ang noo ko at napatingin sakanya.

"Sa'n mo naman napulot 'yan?" I let out a soft chuckle, nang tumingin ako sakanya ay pansin ko namumula ang pisngi niya.

Passenger Prince (Cousin Series #1)Where stories live. Discover now