44

4 1 0
                                    

A/N: Unedited

-

Days passed, hindi ko pa rin nalilimutan ang pag-uusap namin ni Avi no'ng nakaraan lang. Tanging si Tj at Thayler lang naman ang nakakaalam sa insidenteng 'yon.

Napabuntong hininga na lang ako at napamasahe sa sentido, maya-maya ay nagring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at sinagot.

"Boss?"

"Ako nga, may balita na ba?" Tanong ko habang seryosong nakatingin sa ceiling at nilalaro ang kutsilyo sa mga pagitan ng daliri.

"Nakuha na namin ang lahat ng letter na ipinapahanap niyo, hawak na po namin ngayon."

I hummed. "Dalhin mo sa penthouse ko, may tinatapos lang ako." Utos ko at ibinaba ang linya.

Sa earpiece naman na suot ko sa kanang tenga ay may biglang nagsalita.

"Red, two enemies approaching. Four o'clock with gun."

Itinago ko na ulit ang cellphone ko at inintay ang kalaban na makalapit saakin.

They are blind when the lights are out, para lang silang nakikipaglaro. Inilagay ko ulit ang mask ko at saka lumapit.

Mabilis ko lang silang napatay dahil sa pagtarak ng kutsilyo ko sa lalamunan nila, bahagya ko pang pinagpag ang kamay ko dahil napasukan ng dugo nila ang gloves ko.

"Putanginang mga peste," Bulong ko at dumaretso na sa kung nasaan ang big boss na tinutukoy kamo nila.

Inaantok na ako at kagagaling ko lang sa shooting kaya gustong gusto ko nang matapos ang gabing to.

"Red, nasaan ka?" Boses ni Ate Fin ang umalingawngaw.

"She's headed to the big boss right now." Boses naman ni Thayler ang sumunod.

"Mag-isa lang siya?" Ate Vhia asked.

"Oo,"

"Si Thym? Asan si Thym?" Tanong ko dahil kanyang boses nalang ang hindi ko pa naririnig.

"Buhay pa ako, kasama ko yung mga bata ngayon." Tumango nalang ako at mas binilisan ang lakad.

"Zi, antayin mo kami diyan. Masyadong madaming bantay diyan—"

Late na niyang nasabi dahil nabuksan ko na ang pintuan at tumambad saakin ang sandamakmak na bantay na armado.

Mabilis ang naging pagkilos ko nang biglang namatay ang ilaw. In every move I make, may nawawalan ng buhay. I love this because they fucking deserve it anyways.

Pinilipit ko ang braso ng lalaki sa likod niya bago paputukan ng baril sa likod ng ulo nito. Kinuha ko ang armalite na hindi naman nila nagamit at pumwesto sa gitna, they can't fucking see me in the dark.

Kinasa ko na ang baril kaya natigil sila sa kahahanap saakin sa dilim.

"Josh?! Kinasa mo?! Putang—" Hindi ko na pinatapos ang nagsasalita at nagpaulan na ng bala.

I kept firing the gun hanggang sa maubos ang bala nito. The lights flick back on and it revealed a red dark room.

I stare at them coldy. Pira-piraso na ang mga katawan nila at ang iba naman ay may mga butas sa noo, I sigh and make my way to the last room.

Kung nasaan ang putanginang senador na 'yan.

"Oh my god. Ikaw ba may gawa nito, Zi?" Thayler commented.

I chuckled because of his reaction.

"May nakikita ka bang kasama ko?" Sagot ko habang naglalakad.

"Wala... pero nakaka shock eh, bawal ba mag shock?" Hindi ako sumagot at natawa na lang.

Passenger Prince (Cousin Series #1)Where stories live. Discover now