39

5 1 0
                                    

A/N: Unedited

-

“Wala, wala!!” Sigaw namin ni Ky sa gilid ng court.

Intrams namin ngayon sa school at basketball ang pinapanood namin, katatapos lang ng volleyball kanina kaya dito naman kami.

“Ano ba ‘yan! Ipasa mo yung bola!” Badtrip na saad ni Sy.

Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa mga pinagsasasabi nila. Klay was out with Nhikey, baka nasa canteen.

“Oh ayan! Nasa harap mo si Three putcha! Bantay—” Bago pa man matapos ni Sy ang sasabihin niya, naagaw na ni Eleven ang bola at pumunta doon sa ring nila.

“Pogi pala ni Three ‘no?” Ani ni Ky kaya napatingin ako sakanya at kay Eleven.

He was sweating as fuck, naka blue na jersey. Ngumiwi ako. Blue sturgeon.

“Tsk, wala na. Talo na tayo.” Kumamot si Sy sa ulo.

Tumingin ako sa kabilang side ng court at nakita ko ang pinsan ko na nakangisi sakin dahil mananalo ang team nila. She was with her friends.

“Ate mo oh,” Nginiwian ko si Ky dahil sa sinabi niya.

“Bai! Don't say bad words ha. bastos ng bibig nito, tunog magkapatid kami!” Ani ko at tingnan ng masama si Ate Jahna.

Dahil talo na rin naman ang team namin umalis na kami roon bago pa matapos ang laro. Umakbay sakin si Sy habang ako ay busy sa katitipa ng aking telepono para itanong kung nasaan sila  Klay.

“Pre, nasa building daw sila. Faculty daw, nag che-check daw ng test paper.” Ani ko at pinaypayan ang sarili  gamit ang sariling cap.

Pupunthan ba na’tin?” Tanong ni Ky na inilingan ko.

“Hindi, mamaya nalang daw, kapag tapos na sila.” Paliwanag ko.

“Eh ano gagawin natin ngayon? Tutunganga?” Init naman ng ulo nito.

Napangisi ako dahil dito. “Titigan mo’ko baby.” Pabiro pa akong kumindat. Inirapan niya lang ako at inaya kaming umupo sa UTMT.

“Sy, bumili na kaya kayo ng lunch? Para mamaya hindi na kayo makikipagsiksikan, ang init pa naman ngayon.” Suggest ko. Na patingin naman si Sy sa’kin at sandaling na tahimik, napapaisip na ‘yan for sure.

Ilang sandal bago siya tumango at tumayo kasama si Ky.

“Eh ano kay Brix, Klay at Eilish?”

“Edi text niyo, tanong niyo kung ano ang trip nila kainin para mamayang lunch. ” Tumango lang sila at iniwan akong mag-isa sa UTMT.

Trenta minuto na ang nakararaan pero hindi pa rin nakakabaliw ang dalawa. Napagpasyahan kong puntahan sila sa canteen, inis akong tumayo at nakakailang hakbang pa lang ako papalayo nang may malamig na basa akong naramdaman sa bandang balikat ko.

Ay tangina.

Hindi ko alam kung anong itsura ko pero lumingon ako sa lalaking nakabungo saakin. He seemed surprised, may kasama siyang tatlong lalaki na gulat din ngunit ang isa doon ay nakangisi na maya-maya.

Passenger Prince (Cousin Series #1)Where stories live. Discover now