A/n: Unedited
-
Pagod akong umuwi sa bahay at nadatnan si Thym doon, muka siya ng kanina pa nasa bahay kaya ngumiti lang ako sakanya at umakyat sa taas para mag half bath muna saka bumaba ulit.
"Kanina ka pa dito?" Tanong ko sakanya.
Ngumiti siya at sumagot habang busy pa din sa pagluluto ng kung ano.
"Yup, nag linis ako. Dumating ako mga 10 ng umaga, a-ayain sana kitang mag mall kaso mukang nag shoot ka kanina." Sumulyap siya saakin at ngumiti.
"Nag linis ka??" Gulat kong tanong, tumango siya at pinatay ang stove.
"Dito ako tu-tulog ha? Oh, food mo." Paalam niya sabay bigay ng pagkain saakin.
Kahit pagod ay nagawa ko pang makipagdaldalan sakanya pero nilimitahan ko ang sarili ko at nag pahinga na, pinatabi ko siya saakin dahil aalis na rin naman ako maya-maya.
Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising para pumunta sa shooting, dumaan muna ulit ako sa cafe na pinuntahan ko para umulit ng Spanish latte.
Buong araw ay puro shooting lang ang ginawa ko kaya halos kalahati ng araw ay naka specs ako dahil sa pagbabasa. Madilim nang umalis ako, madilim rin nong umuwi ako.
Nadatnan ko naman si Tj na nakahiga sa couch at mukang nag lalaro ng Mobile Legends dahil nakakunot ang noo nito. Akala ko ay hindi niya ako papansinin dahil nga busy siya pero nagulat ako nang patayin nya ang cellphone at tumingin saakin.
"May pagkain akong niluto doon, tara sabay tayo kain." Aya niya kaya mas lalo akong nagulat.
"Half bath lang ako," Paalam ko at tumango naman siya saka pumunta na sa kusina habang ako ay nawi-wirduhan na sakanila, kahapon si Thym ngayon naman si Tj. Sino bukas? Si Thayler?
Umakyat na ako agad para maka baba na rin agad. Nang maka baba ako ay nakita ko si Tj na seryoso na naghahain rin.
"Ikaw nagluto?" Tanong ko at ngumiti naman siya bago sumagot.
"Syempre ako, may nakikita ka bang hindi ko nakikita??" Ani niya at tumingin-tingin pa sa paligid.
Natawa ako at umupo na. "Engot ka, baka lang kasi nag pa deliver ka."
"Wala na akong pera baliw." He commented.
Mabilis lang akong kumain non dahil maaga pa ako bukas. Lumipat ang ilang araw ay mas lalo kaming nakikilala sa public lalo na nang mag endorse kami ng kung ano anong brand ng clothing o mapa-restaurant man yan.
Dahil rest day ko ngayon ay nanatili lang ako sa bahay hanggang sa sumapit ang hapon, nagka-ayaan sila Macs na mag bonding bonding daw kami, treat na daw namin para sa sarili dahil sa mga achievements na nakukuha namin for the past four months. Bumaba na ako dahil na doon na daw sila Macs. They were picking me up, makakasama na pala sila doon at ako nalang ang kulang.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko pagka sarado ng pintuan ni Macs.
"Hindi ko din alam, tanungin mo yang driver natin oh." Ngumuso si Macs.
"Bumaba kana, driver pala ha." Ani naman ni Calv.
"Joke lang!" Ngumiti si Macs nang tumingin si Calv sakanya, umirap naman ang binata kaya mas lalong lumakas ang tawa ni Macs.
Halos isang oras ang naging byahe namin nang makarating kami sa kung anong restaurant.
"Dinala niyo kami dito para kumain lang??" Nag slita si Jigz sa tabi ko.
"Hindi ah, kakain tayo tapos ikaw magbabayad, magbabayad ka gamit ang pagsay-"
"Lolo mo!" Ani ni Jigz at inakbayan naman siya ng tumatawang Calv.
YOU ARE READING
Passenger Prince (Cousin Series #1)
RomanceThwyane Zia Fracktumos. The girl who's been out for fun and was always a reckless girl ever since she had rest before she achieve her dream, finally met her match. But who could it be among the four? Pick your fighter.