24

13 0 0
                                    

A/N: Unedited

-

"Nasaan ang anak ko?" Boses ni Daddy ang narinig ko sa labas ng pintuan kaya binuksan ko na 'to at nagpakita sakanya.

"Bakit, 'dy?" Tanong ko.

Napatingin silang lahat saakin habang ako ay nakatingin lang kay Daddy na may ngiti sa labi na akala mong may nalaman.

"Bakit kayo mga nakabihis?" Tanong ko sakanila.

"May nirentahan ang Ninang Aralia mo na coffee shop." I tilt my head in a confusion.

"Andoon ang mga Ate Fin mo." A amusement filled my eyes.

"Teka, magbibihis lang ako." Paalam ko at mabilis na pumasok sa loob at nagpalit.

Nagsuot lang ako ng simpleng maong shorts at white t-shirt na pinatungan ng black long sleeve polo at bumaba na.

"Saan ka sasakay?" Tanong ni Daddy.

"I'll take her," Mon suggest.

Wala sa sariling napasulyap ako kay Trev na may ngisi sa labi at nakatingin kay Mon, nang maramdaman niyang may nakatingin sakanya ay ngumiti siya at kinindatan ako ng pasimple.

"Ah, hindi na. Magdadala ako ng sasakyan ko." I refused his offer.

Napatango lang siya at saka ngumiti, napakagat naman sa labi si Daddy para itago ang ngiti.

"Sa'yo ako sasabay." Tinanguan ko lang ang sinabi ni Daddy at dumaretso na sa Aventador ko.

Sabay-sabay kaming umalis sa bahay at ngayon ay kami ang nagle-lead habang nakasunod lang ang apat sa likod namin.

"Wala ka pang nagugustuhan sakanila?" Pambabasag ni Daddy sa katahimikan.

I pursed my lips, thinking if I should be honest or no.

"Meron na." I honestly answered.

Tumahimik ulit si Daddy kaya tinignan ko ang rear view mirror para makita kung anong ginagawa niya, naka ngisi lang siya at nakatingin sa labas ng bintana.

"Bakit mo ako sinet-up sa sakanila?" Balik kong tanong.

"Dahil nga sa pagre-race mo ng gabi." Saad niya pero alam kong hindi ayon ang pinaka punto noon.

"Ano pa?"

"Ayun lang,"

"Hindi, feeling ko meron pa eh."

Tumingin ako kay Daddy, natawa siya at ngumiti.

"Dahil kinakabahan ako sa'yo, na baka babae gusto mo." He burst out laughing after that samantalang ako ay napatanga.

"Iyon lang?!"

"Hmm, hindi din. Business partner ko 'yong mga magulang nila eh, ayun." He simply brought it up.

"Okay.."

Tinuloy ko lang ang pagda-drive hanggang sa marating na namin ang coffee shop.

Kung titignan mo sa malayo parang bukas 'to for public dahil sa mga tao na nasa loob.

Dahil sa salamin ay nakita ko na agad ang isang malaking kumpol sa gitna, napangisi ako nang maaninag kung sino-sino 'yon.

Mabilis akong pumasok sa loob, may tumunog sa pinto kaya napatingin ang Ilan sa gawi ko.

"Zia!" Lumaki ang ngiti ko nang makita ang mga pinsan ko sa gitna.

Kumaway saakin si Thym kaya tango lang ang iginawad ko dito at pumunta sakanila.

Passenger Prince (Cousin Series #1)Where stories live. Discover now