60

10 1 0
                                    

-

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang kumirot ang ulo ko, humiga ulit ako at tumitig sa kisame.

Nagkuyom ang kamao ko nang maalala ang mga ginawa nila sa'kin. Nabuhay ang galit sa dibdib ko dahil dito.

"Finally! You're awake!" A girl entered this unfamiliar room.

Halos mahilo ako dahil sa dami ng taong pumasok sa kwarto. Hindi ako gumalaw at tiningnan lang sila.

Sino 'tong mga 'to?

"Drop your weapons, you might scare her." The blonde guy said.

The guy behind him laugh.

"Really? After what happened on her father's mansion? Her? Scared? I think that's not in her vocabulary, dude!"

"Can you shut up for a moment? Seb?" The other girl said.

Nang tumahimik sila ay doon lang ako nagsalita.

"Anong balak niyo sa'kin? Ipang raransom niyo ba ako?" Prangka kong sabi at sinamaan sila ng tingin.

Wala ako sa mood para makipag gaguhan.

"What? N-no! It's not like that!" Umirap ako.

Tss, sino ba 'tong mga 'to?

"Papatayin niyo ako?" Nagtanong akong muli.

Umiling sila kaya kumunot ang noo ko.

"Eh ano?" Tanong ko, naiinis na.

"Just calm down, you just woke up. We don't want to stress you." Lumapit ang lalaking may blonde na buhok.

"Tss, gago." Bulong ko.

Lumipas ang tatlong araw ay hinayaan muna nila akong magpahinga. Hindi ko alam kung anong pakay nila sa'kin at inaalagaan nila ako, napairap ako dahil sa naisip.

Kung makaalaga sila ay parang mamamatay ako, hindi po. May papatayin meron, madami.

"Tatlong araw na tayong magkakasama dito, hindi pa rin kayo nagpapakilala. Manghuhula ba ako dito kung sino kayo?" Suplada kong tanong na nagpatigil sakanila.

Nagsama sama sila sa isang sulok kaya doon ko lang sila natignan ng buo.

Puta, mga foreigners. Mapapalaban ata ako ng English dito ah.

"Thought you will never asked." The blonde hair guy said.

"I'm Alexander Terro Alexeyev, I'm from Russia."

Tss kaya pala gano'n ang itsura niya. He had blonde hair and blue eyes. His face is the most intimidating, sobrang puti niya rin. Makapal ang kilay at singkit ang mata, may katangkaran rin.

"And that's my sister, Anastasia Jane Alexeyev." Tinuro niya ang babaeng blonde ang buhok.

She has a long blonde hair. She have a pale skin, pointed nose, plump lips and intimidating eyes. Pero nang ngumiti siya ay nawala ang pagka strikta ng mukha niya.

Shet.

"Hello!" She said, bigla akong na blangko dahil sa ganda niya.

"That guy beside her is Sebastian Hunter Scott, he's from America along with that girl. She's Pialhizar Ghayle Saldovan. They're friends."

"I'm Seb!"

The guy shouted. He has brown and curly hair, gusto kong hawakan iyon at paglaruan ng buong araw. His nose was pointed and he have a cute smile.

Passenger Prince (Cousin Series #1)Where stories live. Discover now