-
Ilang buwan ang lumipas at hindi rin nakapag timpi si Tiffany na hindi ako bigyan ng projects dahil kami nalang nila Jigz ang nagbubukod tanging aktibong artista sa management nila.
But still, that are trying to get me away from Trev. Sadyang malakas lang talaga ang kapit ko kaya hindi nila ako mapabitaw bitaw.
May nakikita nga ako sa social media na fake dating namin ni Jigz, I guess that's the only idea they have. Pero ako ay tumatanggi at pinupuno ng assurance si Trev kaya hindi rin gumagana ang idea nilang 'yon.
Wala si Trev ngayon kaya pupunta sila Elle sa penthouse. Busy akong magluto nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa sila Elle na mukang pagod na pagod na ngunit balot na balot.
Nakakunot ako ng noo dahil dito, pinatay ko ang kalan at lumapit sakanya.
"May sakit ka ba? Parang namumutla ka." Hinawakan ko ang noo at leeg niya.
She gave me a weak smile and denied. Nanatili ang tingin ko sakanya dahil hindi ako kumbinsido.
"Wala akong sakit, Ate." Sabi niya at nilagpasan ako.
She's hiding something.
Pinasadahan ko ng tingin ang iba ko pang kapatid at napansin ang pagka putla din nitong mga 'to.
My jaw clenched in annoyance.
Lumapit ako sa couch kung saan nagbabasa si Dykeezyh at kinuha ang libro niya.
"May problema ba kayo? Bakit ganyan mga mukha niyo?" Tanong ko.
Mukang nagulat sila Khelzz kaya napatayo sila at agad na umiling.
"Ate... Kumalma ka, wala kaming problema." Nananaliksik ang mata kong tumingin kay Yanna.
Hindi ako nagpakampante at tinitignan sila isa-isa. I saw how their eyes is tired, parang nakatingin lang ako sa dating ako.
"Umupo kayong lahat, mag-uusap tayo." Utos ko at isinarado ang librong hawak ko.
"Ate, hindi na kailangan-"
"Sit down," Utos ko kaya walang nagawa si Ella kung hindi umupo.
If they don't want to tell me, fine. I'm going to find out myself.
"How's your grades?" Nagulat si Dykeezyh sa tanong ko at nag-iwas ng tingin.
"I'm not going to repeat my question here, Dylahn." Nag tagis ang bagang ko dahil hindi siya makasagot.
Kilala ko si Dylahn. He was smart, smarter than me. Tuwing tinatanong ko siya kung kamusta ang grade niya ay kulang nalang na isupalpal niya saakin ang card niya dahil sa puro ninety eight, ninety nine o one hundred nitong grade. Pero ngayon? He was ashamed, and can't bring out his card.
"I was failing," nagpanting ang tenga ko sa narinig.
"Why? May nag pe-pressure ba sa'yo? Name it. Sila Mommy ba? Nanay? Who?" Tanong ko.
"Ate," saway ni Ella saakin pero sinamaan ko lang siya ng tingin kaya tumungo ulit siya habang ako ay nag-aantay pa rin ng sagot ni Dykeezyh.
"Dylahn." I warned him.
"I-i don't know, no one's pressuring me. B-but my teacher." Kumunot ang noo ko at inantay ang susunod na sasabihin niya.
"There's a t-teacher in my science class, I think he's purposely f-failing me." See? He have a problem.
I let out a heavy breath.
"Name?" Seryosong tanong ko.
Umiling si Dykeezyh.
YOU ARE READING
Passenger Prince (Cousin Series #1)
RomantikThwyane Zia Fracktumos. The girl who's been out for fun and was always a reckless girl ever since she had rest before she achieve her dream, finally met her match. But who could it be among the four? Pick your fighter.