A/N: Unedited
-
"Ate Z!" Umangat ang tingin ko kay Ches na ngayon ay nasa harap ko.
"Ayoko." Pinangunahan ko siya.
"Wala pa nga!" Sinapak niya ako sa braso ko pagka-upo.
"Ay,"
"Kailangan ko kayo nila Ate Fin."
"Ba't?" My eyebrows rose.
"Eh kasi...walang banda ngayon ang cafe pero may instruments naman sila so..." Pinaglalaruan niya ang daliri niya kaya natawa ako at tumango tango.
"Okay lang sa'kin, pero tanong ka sakanila kung papayag sila." Saad ko at kumain ng tinapay.
"Eh paano kung hindi?"
"Edi pilitin mo." Nagkibit balikat ako, napatampal siya sa noo at tinanong na sila Ate Fin.
"Ate naman eh!" Angal niya.
"Joke, sige ako na kakausap sakanila." Ngumiti siya at nagpasalamat.
Maya-maya ay tinawag ko ang mga pinsan ko at pinahawak ang mga instruments. Kay Ate Vhia ang Electric guitar, kay Ate Fin ay ang piano habang akin ang Drums.
"Tanginamo, Zi." Sabi saakin ni Ate Fin pero kinindatan ko lang siya at saka umupo.
Hinampas ko isa-isa ang drum set na nasa harap ko para i-check kung ayos lang ba or may sira.
"Ate!" Sabay-sabay kaming napalingon kay Ches dahil sa pagsigaw nito.
"Ay sorry," nag peace siya kay Ate Fin at Ate Vhia saka tumingin saakin.
"Ayos lang ba lahat, Ate?" Nag thumbs up lang ako bilang sagot.
Ngumisi siya at sinabi saakin kung ano ang unang song. Wala sa sariling napatingin ako kay Ate Vhia, napatingin rin siya saakin at pinakyuhan kaya inirapan ko siya.
Lumabas na si Landus at pumwesto sa stage, unang tumugtog si Ate Fin na sinundan ko.
Ikaw lamang by Silent Sanctuary
Unang kumanta si Ches at sumundo si Landus, they are duet. Minsan ay sinasabayan ko ito dahil alam ko ang kanta pero nawawala ako at natatawa dahil sa panlalanding ginagawa ni Landus kay Ate Vhia habang ang pinsan ko ay namumula at binabalewala 'to.
Nang matapos ang kanta ay sumunod sila Tavius at Phila. Ofcourse they're both close to Ate Fin kaya't sali't salitan sila sa pan-ti-trip kay Ate Fin.
"Tangina," Narinig kong sabi ni Ate Fin kaya natawa ako at patuloy sa paghampas ng drums.
Cortavius finished the song and with a kiss on my cousin's forehead. Napangisi nalang ako para itago ang saya para sa pinsan ko.
Nang bumaba sila sa stage ay napainom ako ng tubig dahil sa sobrang uhaw.
"Towel." Napatalon ako dahil sa gulat.
Seryosong nakatingin lang saakin si Trev habang may hawak na towel at ang isang kamay niya naman ay nasa bulsa.
I smirked.
"Thanks, babe."
Nang makuha ko ang towel ay nandoon pa rin siya, inosenteng napatingin ako sakanya at bahagyang tumabingi ang ulo.
"Bakit?" I asked.
Hindi siya nagsalita at lumapit lang, sa sobrang lapit niya saakin ay nalalanghap ko ang paborito kong pabango. His scent.
YOU ARE READING
Passenger Prince (Cousin Series #1)
RomanceThwyane Zia Fracktumos. The girl who's been out for fun and was always a reckless girl ever since she had rest before she achieve her dream, finally met her match. But who could it be among the four? Pick your fighter.