Chapter 18 Part B:
Sudden ConfessionAYASE
"HINDI ako pupunta ngayon sa inyo, Wonpil." Muli akong sumandal sa puno habang yakap ang bag ko.
"Bakit? Ano ba'ng pinag-usapan ninyo ni Sungjin kahapon?" usisa ni Wonpil. Umupo siya sa tabi ko.
"Ikaw ang gusto ko. 'Yon ang alam kong totoo."
Ramdam ko ang muling pamumula ng pisngi ko nang maalala ulit ang sinabi ni Sungjin. Tinakpan ko ng bag ang aking mukha. "W-Wala naman. Baka magsawa na siya sa mukha ko kung araw-araw niya akong nakikita."
Narinig ko siyang tumawa. "Malabong mangyari 'yan, Aya. Halata namang gustong-gusto ka niya."
Nangalumbaba ako. "Ang prinsesa ang gusto niya, Wonpil, hindi ako," pagtatama ko.
"But is there any chance that you would fall for him?"
Napaisip ako. Mabuting tao si Sungjin, magandang lalaki, at higit sa lahat, nakasisiguro akong hindi ako nito magagawang lokohin. Hindi malabong magustuhan ko ito. Pero hindi ako puwedeng magkagusto rito dahil hindi ito maaaring manatili sa mundo namin.
"Nangako ako kay Lola na hindi ako mahuhulog sa kagaya niya. 'Wag ko raw uulitin ang pagkakamali nila ni Lolo."
Kumunot ang noo ni Wonpil. "Ano'ng ibig niyang sabihin? Anong pagkakamali ang tinutukoy niya?"
I shrugged my shoulders. "Hindi ko rin alam. Noong tinanong ko siya tungkol diyan, hindi niya sinagot ang tanong ko."
"Mukhang may nililihim sa 'yo ang lola mo."
Tumayo ako at pinagpagan ang palda ko. "Kung gano'n, kailangan kong makausap si Lola."
"LOLA, can I come in?"
Kumatok ako sa pinto ng kuwarto ni Lola pero walang sumagot. Nang akmang kakatok ulit ako, biglang bumukas ang pinto.
"Aki, ano'ng ginagawa mo sa kuwarto ni Lola?" Nakataas ang isa kong kilay nang makita kong si Aki ang nagbukas n'on.
"Are you looking for Lola, onee-chan? Lola is not here."
"Nasaan siya?"
"Lola told me that she's going to visit her old friend and then she left. Hindi pa siya bumabalik. I miss her already." Hinila niya ang laylayan ng damit ko habang yakap-yakap ang unan ni Lola. "Onee-chan, tell Lola to come home. Hindi na ako magiging makulit. I promise!"
"She'll be back soon." Ginulo ko ang buhok niya, saka ngumiti. "Do you want to sleep in my room?"
"Can I?" masiglang tanong niya habang kumikinang ang mga mata.
Tumango ako. Sigurado akong mahihirapan siya matulog nang walang katabi.
"You won't kick me off of your bed in your sleep? Napakalikot mo pa naman matulog," she pouted.
Humalukipkip ako. "Wala akong maalalang nangyari 'yan. Good luck sleeping alone in your room, then."
"Pagtitiyagaan ko munang ikaw ang katabi matulog habang wala pa si Lola."
"What did you say, midget?"
"Nothing, onee-chan! Oyasumi!" Nagmamadali siyang tumakbo patungo sa kuwarto ko habang nakabungisngis.
Napailing na lang ako saka sumunod sa kaniya.
"GREAT JOB, everyone!" bati ni Brian nang matapos ang art exhibition na inorganisa ng Art Club.