Chapter Ten Part B:
The Art ClubA Y A S E
ANG lakas ng kabog ng dibdib ko habang papasok ako sa bahay. Pakiramdam ko, may mangyayaring hindi ko inaasahan. Nakakaramdam din ako ng kaba. Hindi pa ako handang harapin si Sungjin.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang buksan ko ang pinto ng bahay. Nakita kong komportableng nakaupo sa couch si Sungjin kasama ang buo kong pamilya. Nabitawan ko ang hawak kong libro dahilan para mapalingon sila sa direksyon ko.
Tumakbo palapit sa akin si Aki. "He's your husband, isn't he, onee-chan? That explains why you live together." Hinawakan niya ang tiyan ko at inilapat ang tainga niya roon. "Something's in here. It's kicking." Then then turned to them. "Onee-chan's pregnant."
Mas lalo akong nagimbal sa dahil sa mga sinabi ni Aki. I can't believe she's just six years old!
"Baka! I'm not pregnant! Gumagalaw ang tiyan ko kasi humihinga ako." Nag-aalangan akong tumingin sa mga magulang ko at kay lola. Hindi naman masalubong ang mga tingin ni Sungjin.
"Aki, go to your room. We'll call you when dinner is ready," utos ni mama sa kaniya.
"I'll stay here."
"Listen to your mother, Aki." Sa pagkakataong ito, pumunta na siya sa kuwarto niya. Mas sinusunod niya ang utos ni lola kaysa sa mga magulang namin. Hindi ko naman masisisi si Aki. Mas madalas naming kasama si lola kaya mas malapit ang loob namin dito.
"Maupo ka, Aya. Marami kang dapat sabihin sa amin."
Napalunok ako ng laway bago umupo sa tabi ni Sungjin. Nakatingin silang lahat sa akin pero hindi ko sila tingnan nang mata sa mata. Hindi nila inaalis ang tingin sa akin.
Napayuko na lang ako at tiningnan ang sapatos ko. "I'm sorry. Pasensya na kung hindi ko sinabi sa inyo."
"Tell us exactly who he is," panimula ni mama na puno ng awtoridad ang boses.
Napalunok ulit ako ng laway. "Exactly?"
"Yeah, exactly. What have you got to do with him?"
Napabuntong-hininga muna ako bago nagsalita. "Siya 'yong lalaking tinutukoy ko na nagligtas sa akin mula sa mga nandukot sa akin. He had no place to go, that's why I let him stay. I just want to thank him for what he did."
"I'm relieved. I thought there's something going on between the two of you."
"Ma, I'm too young for that!" Besides, there's someone else that I like. Gusto ko sanang sabihin 'yan sa kanila pero pinangunahan ako ng hiya.
"Ano nga ulit ang pangalan mo, jiho?" tanong ni papa sa katabi ko.
"Sungjin. Isa akong knight na kaharian ng Tierra, at tungkulin kong siguraduhin ang kaligtasan ng prinsesa. Narito ako upang ibalik siya sa palasyo." Napansin ko ang pagpipigil ng tawa ni papa. "May nakakatawa po ba sa sinabi ko?"
"Sorry, I can't help it." My father cleared his throat. Naging seryoso ang mukha niya. "Bilang pasasalamat sa pagligtas mo sa anak ko, puwede kang manatili rito kahit kailan mo gustuhin. Welcome to the family, Sungjin."