Chapter 16 Part B

34 1 0
                                    

Chapter 16 Part B:
Hit the Nail on the Head

AYASE

"SA TINGIN KO, mas makabubuti kung hindi mo muna ipapaalam kay Sungjin ang totoo," basag ni Wonpil sa katahimikan. Katabi ko siyang nakaupo sa backseat ng taxi na sinasakyan namin. "Don't worry, tutulungan kitang humanap ng tamang tiyempo. Huwag muna ngayon, baka mabigla siya."

Inalis ko ang tingin sa daang tinatahak namin at saka bumaling sa kaniya. Natatamaan ng sinag ng araw ang kinaroroonan niya. Agaw-pansin ang kaniyang buhok na tila nagliliwanag sa tuwing naaabot nito. Iba ang dating niya ngayon kung ikukumpara noong una kaming magkausap. He can look cute without even trying. I didn't know he can be fierce-looking sometimes. But I can tell that he's still a softie on the inside. Isa lang ang nasisiguro ko, he can easily steal a lady's heart.

"I was thinking the same thing. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya nang hindi siya masasaktan. At isa pa, hindi ko alam kung paniniwalaan niya ang sasabihin ko."

"Pasensiya ka na sa inasal ko kanina. Kung nalaman ko agad ang dahilan mo, hindi na sana ako nagmatigas."

Bahagya akong natawa. "Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ka ng humingi ng tawad sa akin. Kalimutan mo na 'yon. Ang mahalaga ay nagkaintindihan na tayo at tutulungan mo pa ako."

Sumilay ang mga ngiti sa labi niya. "If it's for his own good, I don't mind helping you even if it means breaking my promise to him."

"He must be very special to you. Thank you for taking care of him in my stead." Ginantihan ko siya ng ngiti. "Kung hindi mo mamasamain, puwede mo bang ikuwento sa akin kung paano kayo nagkakilala?"

Sandali siyang hindi kumibo bago muling nagsalita. "Natagpuan ko siyang walang malay sa harap ng gate namin. Basang-basa siya ng ulan at ang taas ng lagnat niya kaya pinatuloy namin siya sa bahay."

"I was so worried about him. He knew nothing about our world and the people who live here. Hindi ko maisip kung anong hirap ang pinagdaanan niya." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at saka yumuko. "Pinahanap namin siya sa mga pulis pero hindi nila siya nakita. Walang nakakaalam kung nasaan siya. Kung wala lang talagang gustong dumukot sa akin, I would have looked for him myself."

"Tinanong namin siya kung saan siya nakatira pero hindi niya sinabi sa amin. He asked us to let him stay and not tell anyone that he's living with us. We couldn't refuse him. He seemed lost and... in pain."

Nakaramdam ako ng kirot habang nakikinig sa kaniya. Hindi ako nakakibo. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. I feel responsible for his pain.

"Madaling napalagay ang loob ko sa kaniya. Napakabuti ng puso niya, Aya. He is a great man." Ngumiti siya habang nakatingin sa malayo.

I know that too well, Wonpil.

"Noong may mga armadong lalaki na nanloob sa bahay namin at ginawang hostage ang kapatid at mom ko, he did not hesitate to save them even if it can cost him his life. Malaki ang utang na loob namin sa kaniya. This is the only thing that I can do to repay him."

I looked at him straight in the eye. "You will not be able to see him again when I brought him back to his world."

"I'm fine with that as long as he'll get a happy ending."

"Rather than an end, I'll give him the kind of happiness that will last forever."

"I'll look forward to it, then. Aabangan ko rin ang mga susunod mo pang isusulat, Aya."

"About that..." Ibinaba ko ang aking tingin. "I don't think I'll be able to draw again."

Dahil sa impluwensiya ng lolo ko, bata pa lang ay gumuguhit na ako. Ito ang naging karamay ko nang mamatay siya. Minahal ko ito nang husto. Pero kailangan ko itong ihinto kahit mabigat sa loob ko.

A Cold Day in AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon