Chapter Five Part A:
Come Into Life
A Y A S E
XIA and I have been together for almost thirteen years. She's the first and only friend I've ever had. Ang tagal na naming magkasama. Hindi ko matanggap na iiwan niya na ako.
Napagdesisyunan kong manatili muna sa garden. Nakaupo ako sa lilim ng puno habang nakatitig sa sketchpad ko. Walang masyadong pumupuntang mga estudyante dito kaya tahimik ang paligid. Sariwa rin ang hangin dito kaya nakakagaan sa pakiramdam.
"Sigurado ba kayo na nandito siya?"
"Oo. Nakita namin siyang tumakbo papunta rito."
"Siya 'yon, 'di ba?"
Nakarinig ako nang mga yabag na papalapit sa direksyon ko. Nagulat na lang ako nang may tumamang bagay sa ulo ko. Nang iangat ko ang ulo ko, nakita ko ang tatlong babae na ang talim ng tingin sa akin.
"You can't just throw this at someone," saway ko sa kanila. Tiningnan ko kung ano ang ibinato nila sa akin, at nakita ko ang magazine ng Club namin.
"Your comics sucks," komento ng isa sa kanila. "Hindi ba't si Brian Kang ang presidente ng Art Club? Nasaan siya? Gusto ko siyang makausap. I want him to stop publishing your comics."
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Leave me alone." Ayaw kong patulan ang babae na 'to lalo na't mainit ang ulo ko. Baka makagawa lang ako ng bagay na pagsisisihan ko.
Kinuha ko ang mga gamit ko, saka tumayo. Naglakad na lang ako palayo para makaiwas sa gulo. Pero hindi nila ako tinigilan. Hinarangan pa nila ang daraanan ko.
"The Princess' Knight," banggit nito sa title ng comics ko. Pagkatapos, ipinakita niya sa akin ang isa pang kopya ng magazine. Narinig ko itong tumawa pero nagsawalang kibo na lang ako. "Is this some kind of a stupid fairytale?" Tumawa ulit ito. Sinabayan naman ito ng dalawang kasama.
"Hindi totoo ang fairytale. Mga bata lang ang maniniwala sa kuwento mo," sabi naman ng isa sa kasama nito.
Naikuyom ko ang mga kamao ko pero pilit ko pa ring kinakalma ang sarili ko. "Pasensya na kung hindi ako naglagay ng mahahalay na eksena. 'Yon ba ang hinahanap niyo?"
"What are you trying to imply?" Halatang nainis ang mga ito sa sinabi ko. "Ano ba ang ipinagmamalaki mo? Ito ba?"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nilang punitin ang hawak na magazine. Hindi pa sila nasiyahan sa ginawa, itinapon pa nila ang pira-pirasong papel sa mukha ko.
"Pinapaasa mo lang ang mga mambabasa na totoo ang fairytale. 'Di hamak naman na mas maganda ang comics na ipinasa ko kaysa sa comics mo. Hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili nilang i-publish ang basurang ginawa mo."
Napapikit na lang ako. May mga tao talagang hindi marunong magpahalaga sa pinaghirapan ng ibang tao. Kung ayaw nila sa comics ko, puwedeng-puwede naman na hindi na lang nila basahin.
Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko silang naglalakad palayo. Napabuntong-hininga na lang ako, saka kumuha ng lapis at papel. Nag-drawing ako ng ulol na aso. Kung puwede lang sanang maging totoo ito, uutusan ko ito na turuan ng leksyon ang mga babaeng 'yon. Kaso, imposibleng mangyari.
Napabuntong-hininga ulit ako. Hindi ako bayolenteng tao pero hindi ko maiwasang mag-isip ng masama kapag naaagrabyado ako. Napapikit ako at ipinilig ang ulo ko para maalis ang isiping iyon.
Iminulat ko ang mga mata ko, at muling tiningnan ang papel na ginuhitan ko. Nagulat ako dahil wala akong nakitang aso na nakaguhit doon. Blangko ang papel, parang hindi ginuhitan.
Maya-maya'y nakarinig ako ng pagtahol ng isang aso sa paanan ko. Natakot ako dahil mukha itong agresibo. Naglalaway pa ito habang nakatingin sa akin. Humakbang ako paatras nang makita kong papalapit ito sa akin.
"Lumayo ka sa akin!" pantataboy ko rito.
Umalis naman kaagad ito na parang naintindihan ang sinabi ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil walang nangyaring masama sa akin.
Muli kong tiningnan ang papel na hawak ko. Tinitigan ko rin ang aso na naglalakad palayo. Kamukha nito ang aso na iginuhit ko sa papel.
Naguguluhan ako. Paano naglaho ang aso sa papel? Saan nanggaling 'yong aso na bigla na lang lumitaw sa harap ko? Nagkakaroon na ako ng teorya pero ayaw paniwalaan ng utak ko.
This is really weird. Hindi na normal ang mga nangyayari. Noong una ay 'yong mukha ni Sungjin na pinalitan ko ng mukha ni Brian pero bumalik din sa dati. Sigurado ako na pinalitan ko 'yon, hindi ng mukha ni Sungjin kung hindi ng mukha ni Brian. Ngayon naman, naging totoo ang aso na iginuhit ko lang.
Dali-dali kong sinundan ang aso na patuloy lang sa paglalakad. Patungo ito sa direksyon ng mga babaeng nang-insulto sa akin. Kung ako nga ang lumikha nito, responsibilidad ko ito. Kailangan ko itong pigilan na makapanakit ng mga estudyante.
Tumahol nang tumahol ang aso. Nagkagulo naman ang mga estudyanteng malapit lang dito. Lalo lang itong naging agresibo. Tili nang tili 'yong tatlong babae habang nilalapitan sila nito. May mga guro ng nagsisidatingan. Pinapakalma nila ang tatlong estudyante at paulit sinasabihan na huwag tumakbo.
Kung tutuusin, tama lang sa kanila na maparusahan. Pero hindi maaatim ng konsensiya ko na may masaktang tao ang nilikha ko—kung ako man ang lumikha nito.
Sumipol ako nang malakas. Mukhang nakuha ko ang atensyon nito kaya lumapit ito sa akin. Natatakot ako pero hindi ko ipinahalata. Nakipagtitigan ako rito habang dahan-dahan ko itong nilalapitan.
"Miss Devora, delikado ang ginagawa mo!" narinig kong sigaw ng isang guro.
Hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy ako sa paglapit sa aso. "Stay calm. I won't hurt you."
Tila naintindihan naman nito ang sinabi ko kaya tumigil ito sa pagtahol. Iwinagayway nito ang mabalahibong buntot, at bigla itong naging maamo.
Lumuhod ako sa harap nito at banayad na hinaplos ang ulo nito. Napangiti ako nang umupo ito, tila nagustuhan ang ginawa ko. "You're a good girl. Ngayon, sumunod ka sa akin."
Tumayo ako, at nagsimulang maglakad. Para namang nabunutan ng tinik ang mga taong narito. Nang tingnan ko ang tatlong babae, umirap lang ang mga ito sa akin.
"You're welcome," pang-aasar ko sa kanila.
Nilisan ko ang lugar na 'yon. Nagtungo ako sa lugar na walang tao bukod sa akin. Nakasunod pa rin sa akin ang aso.
Hindi ko alam kung bakit nito sinusunod ang utos ko pero masaya ako dahil wala itong sinaktan.
"Sana nakakapagsalita ka para masagot mo ang tanong ko." Kinarga ko ito. Mukha naman itong malinis kaya wala namang problema sa akin. "Saan ka ba nanggaling?"
"Sa sinapupunan ng mama ko. Ang mais naman kung sasabihin kong sa puso mo. Luma na 'yon."
Napakurap-kurap ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "You—Did you just talk?" Kapag nagsalita ito ng isa pang beses, maniniwala na ako.
Narinig kong may lalaking tumawa mula sa likuran ko. "Silly, it's me."
I turned around. Nakita ko si Jae na tawa nang tawa kaya pinaningkitan ko ito ng mata. "Are you making fun of me?"
Tawa lang ang isinagot niya. "Do you think dogs can talk?"
Inirapan ko siya bago ako umalis sa lugar na 'yon kasama ang aso. I don't feel like talking to anybody.
Hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Sam. Magkukunwari sana ako akong hindi ko siya nakita pero napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
"Tama ang hinala ko, may kakaiba nga sa 'yo."
Nilingon ko siya pero likod na lang niya ang nakita ko. Tinahulan siya ng kasama kong aso habang pinagmamasdan ko siyang maglakad palayo.
May kakaiba talaga sa babaeng 'yon.
A C O L D D A Y I N A P R I L
a c o s c u r o