Chapter 16 Part A: Hit the Nail on the Head

26 1 0
                                    

Chapter 16 Part A:
Hit the Nail on the Head


AYASE

PAGKATAPOS ng klase namin ay agad kong niligpit ang mga gamit ko at saka tumayo. Habang palabas ng silid-aralan ay natanaw ko ang isang lalaki na nakasilip sa pintuan. Tila may hinahanap ito.

Nagliwanag ang mukha nito nang mapadako ang mga mata sa akin. Masigla itong kumaway sa direksyon ko.

How did Wonpil find me?

Nilapitan ko siya. “Pasensiya na sa abala, Wonpil,” nahihiyang bungad ko. “Kanina ka pa ba nandito?”

“It’s okay,” ani niya na may ngiti sa labi. “Hindi ko natanong kung saan tayo magkikita kaya napagdesisyunan kong puntahan ka. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Nagkataong nakasalubong ko si Jae. Sinamahan niya ako papunta rito.”

“Nandito si Jae?” Luminga-linga ako sa paligid. Hinanap ng mga mata ko si Jae pero hindi ko ito nakita. “Nasaan siya?”

“May natanggap siyang text galing sa lolo niya kaya umalis siya kaagad.” Tumikhim siya. “Ano pala ang gusto mong itanong?”

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang mapanuring tingin ng mga kaklase ko sa tuwing mapapadaan sila sa gawi namin. May bahid ng panunukso ang mga ngiti nila.

“Your classmates seem really friendly. Nginingitian nila tayo.”

Napailing na lang ako saka siya hinila palayo. “Let’s go somewhere else.”

Nagpatianod siya sa paghila ko. Sumunod sa amin ang dalawang lalaki. Malayo-layo ang distansiya ng mga ito sa amin para mabigyan kami ng privacy. Pinakawalan ko ang pulsuhan niya nang makarating kami sa may hagdan. May mangilan-ngilang estudyante na dumadaan dito pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Wonpil. I want you to answer my question honestly.”

Nalunok niya ang sariling laway habang nakatingin sa akin. “W-Why are you so serious? Y-You’re making me feel nervous.”

Hindi ko inaalis ang tingin ko sa mga mata niya. “Kilala mo ba si Sungjin?”

His eyes suddenly widened. Kahit itanggi niya na kilala niya si Sungjin ay mahihirapan akong paniwalaan siya. Hindi nagsisinungaling ang mga mata.

“Hindi mo na kailangang sumagot.” Humakbang ako palapit sa kaniya. Napaatras siya hanggang sa bumangga ang likod niya sa pader. “Gusto kong makita si Sungjin.”

Napakurap-kurap siya. “W-What?”

“I am asking you to take me to where Sungjin is.” I look at him with pleading eyes. “Please, Wonpil. Kailangan ko siyang makausap.”

Nag-iwas siya ng tingin. “I-I’m afraid I can’t do that.”

“I want to see him!” Hindi ko napigilang magtaas ng boses. Huminga ako nang malalim. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako muling nagsalita. “Wala akong masamang pakay sa kaniya, Wonpil. Gusto ko lang siyang makausap. May importante akong sasabihin sa kaniya.”

“I-I’m sorry, Ayase. Nangako ako kay Sungjin na hindi ko ipapaalam sa ‘yo kung nasaan siya. Ayaw kong sirain ang pangakong ‘yon. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya.”

“Even if I tell you that I’m doing this for his own sake?”

“You already hurt him before. I won’t let you hurt him again.”

Nakagat ko ang labi ko habang nakayuko. “You don’t know the whole story. It was never my intention to hurt him.”

Hindi ko ikakaila na naging malupit ako kay Sungjin sa komiks na ginagawa ko. Pinaibig ko sa ibang lalaki ang babaeng napupusuan niya. Nawawala ang kaniyang ama. At higit sa lahat, hinayaan kong isipin niya na ako ang prinsesa. Ipinagkait ko sa kaniya ang katotohanan.

“You lied to him, Ayase. Hindi mo dapat sinabi na mahal mo siya gayong may gusto kang iba. Gusto mo si Brian, hindi ba?” Bumuntong-hininga siya nang hindi ako umimik. “I’m a big fan of you, Ayase. Isa ako sa mga masugid na nagbabasa ng komiks mo. May kopya ako ng bawat series na pina-publish ng Art Club. I really love how you give life to your characters. Whenever I look at their eyes, I always feel like I’m staring at real people.”

“W-Why did you bring this up all of a sudden?”

“Sa kaunting panahon na nakilala ko si Sungjin, pakiramdam ko’y kilalang-kilala ko na siya. Parang alam ko na ang lahat si kaniya. Pamilyar din sa akin ang mukha niya.”

“You’re not making any sense, Wonpil.”

“May naikuwento sa akin si Sungjin tungkol sa isang prinsesa. May gusto siya sa prinsesang ‘yon pero iba ang gusto nito. When I ask him who that princess is, he said it was you.”

Kumunot nang husto ang noo ko. Minabuti kong manahimik na lang.

“Sa tuwing tinitingnan ko si Sungjin, naaalala ko sa kaniya ang Sungjin na karakter sa komiks mo. They look exactly the same! Hindi ko maiwasang isipin na iisang tao lang sila. Now that I think about it, kamukha mo ang prinsesa sa komiks. ‘Yon siguro ang dahilan kung bakit inakala ni Sungjin na ikaw ang babaeng mahal niya.”

Nagsimulang mamawis ang noo ko. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero walang lumabas na tinig mula rito.

“Did I hit the nail on the head, Ayase?”

Nanatiling nakatikom ang bibig ko. Pumikit ako nang mariin kasabay ng pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga.

Should I tell him the truth?

“Hindi mo na kailangang sumagot. It’s written all over your face.”

“C-Can I see him now?” My eyes are pleading.

“Hindi ko na itatanong kung paano naging totoong tao si Sungjin. Pero gusto kong ipangako mo sa akin na hindi mo na siya ulit sasaktan, Ayase. We may not have known each other for a long time, but he’s really special to me.”

“Kung gano’n, dalhin mo ako kung nasaan siya. I’m going to take him back. I already promised him a happy ending. But if I did not do something, he will disappear for good and I will not be able to draw again.”

Natigilan siya. Kitang-kita ko ang pamimilog ng mga mata niya na nakatingin sa akin. “S-Sungjin will disappear… for good?”

“He’s just a fictional character, Wonpil. Bunga lang siya ng imahinasyon ko. Kapag hindi siya nakabalik sa pinanggalingan niya, mananatili na lang siyang imahinasyon.” Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot habang sinasabi ‘yon.

“Is there any way to make him stay here? Kailangan ba talaga niyang bumalik sa mundo niya? Hindi ba puwedeng dito na lang siya?”

Sandali akong nag-isip kung sasagutin ko ang una niyang tanong o hindi. Napailing ako. Mas maigi kung hindi niya alam ang tungkol sa bagay na ‘yon. Kahit mukha siyang mapagkakatiwalaan, hindi ko pa rin siya lubusang kilala. Hindi ko alam kung ano ang maaari niyang gawin kapag nalaman niya na may iba pang paraan.

“Kapag nalaman niya ang totoo, hindi niya gugustuhing manatili rito, Wonpil. Wala siyang dahilan para manatili rito. He likes the princess in the comics, not me.” Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. “Alam kong napalapit ka na sa kaniya, but you need to let him go. Hindi ito ang mundo niya. This is not his home. He does not belong here.”

“Kung ‘yon ang gusto niya, may magagawa ba ako?” Tumalikod siya akin at humakbang palayo. He looked over his shoulder and forced a smile. Bakas sa mga mata niya ang lungkot. “Gusto mo siyang makita, hindi ba? Follow me.”

A  C O L D  D A Y  I N  A P R I L
THIS PART HAD UNDERGONE MINOR EDITS ONLY. MAJOR EDITING WILL FOLLOW ONCE THE WHOLE STORY IS FINISHED.
THANK YOU FOR READING!
a c o s c u r o

A Cold Day in AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon