Chapter Eleven Part B:
Face OffA Y A S E
NAKASALUBONG ko si Jae habang papunta ako sa office ni Sir Roger, 'yong guro kanina. Tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
Huminto ako sa tapat ng pinto ng office ni Sir Roger. Nanginginig ang kamay ko nang kumatok ako roon. Ilang segundo lang ay bumukas ito. Pinapasok niya ako sa loob. Hindi niya pinayagan na sumunod ang body guard ko kaya kaming dalawa lang ang naroon. Siguradong pagagalitan niya ako. Ito naman kasing si Jae, ang daming kalokohan. Napahamak tuloy ako. Dapat pala'y pumayag ako na sumama siya sa akin sa pagpunta rito para natulungan niya akong magpaliwanag kay Sir Roger.
Hindi ako galit kay Jae. Naiinis lang talaga ako sa ginawa niya. Ito ang unang beses na mapatawag ako sa opisina ng isang guro. It's embarrassing!
"Maupo ka."
Naupo ako sa upuang nasa harap ng table niya. Inunahan ko na siya. "Sir, hindi po ako ang nag-drawing n'on. Nagsasabi po ako ng totoo." Huminga muna ako nang malalim bago muling nagsalita. "Pero kung tutuusin, hindi naman po ganoon kahalay 'yong drawing. 'Yong ibang sikat na mga artist nga po ay mas higit pa roon ang naiguhit nila. Sana po ay palampasin mo na lang ang nangyari. Mangangako po kami na hindi na mauulit ito."
"Sige, palalampasin ko ang nangyari."
Sumilay ang mga ngiti sa aking mga labi. "Thank you, Sir!"
Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. "Pero hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito." Mataman niya akong tinitigan kaya nakaramdam ako ng kaba. Parang sinusuri niya ang kabuuan ko. Kitang-kita ang pagnanasa sa mga mata niya.
Naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "A-Aalis na po ako." Hahawakan niya sana ang baba ko pero agad akong iniiwas ang mukha ko.
Tumayo ako at lumayo sa kaniya. Tumakbo ako papunta sa pintuan. Pero hindi pa man ako nakakalayo'y nagalit na niya ang mahaba kong buhok. Ramdam ko ang matinding sakit ng pagsabunot niya sa akin, parang matatanggal ang buhok ko mula sa anit.
"You're not going anywhere, young lady." Dahan-dahan niyang hinaplos ang legs ko na naka-expose.
Sobra akong kinilabutan sa ginawa niya. "Get your filthy hands off me, pervert!" Inapakan ko ang paa niya kaya nabitawan niya ako. Agad akong nagtungo sa pintuan at sumigaw nang malakas para humingi ng tulong. I rattled the handle of the door violently but it was locked. Pinukpok ko ang pinto para makalikha ng ingay, nagbabakasakaling marinig ako ng bodyguard ko na naghihintay sa labas.
Natigilan ako nang hilain ako ng guro palayo sa pinto at saka itinulak. Tumama ang katawan ko sa table dahilan para malaglag ang ilang kagamitan na nakalagay roon. Napaupo ako sa sahig dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.
I look at him with disgust. "You're going to regret this!"
Humakbang siya palapit sa akin. Ngunit natigilan siya nang marinig ang ingay na nagmumula sa likod ng pinto. Someone's trying to break in the door. Lumapit kaagad siya sa pintuan, at naghanda sa susunod na mangyayari.
With a resounding crash, the door was burst open. Nakita kong nakatayo roon ang bodyguard ko. Hinihingal ito, siguradong nagamit nito ang buong lakas sa pagbukas ng pinto.