Chapter 18 Part A:
Sudden ConfessionAYASE
PAULI-ULIT kong sinipat ang sarili ko sa salamin ng banyo. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya dahil sa suot kong swimsuit na pinahiram ng kapatid ni Wonpil. Lalo na kapag naiisip ko kung gaano kaganda ang katawan nito.
"Tapos ka na bang magpalit?" tanong ni Ate Tiffany na nasa labas ng banyo.
Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Bahagya akong sumilip sa labas, tinatago ang katawan ko.
Kumunot ang noo nito habang nakapamaywang. "Bakit ka nagtatago? Wala kang dapat ikahiya, Ayase. You're pretty!"
Bumaba ang tingin ko sa dibdib nito saka ito lumipat sa sarili kong dibdib. Lalo akong nakaramdam ng hiya. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang swimsuit.
Napabuntong-hininga ito saka ako hinila palabas ng banyo. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa at ngumiti. "See? You look great!"
"T-Thank you." Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi.
Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Sungjin kapag nakita niya akong nakasuot ng swimsuit. Siguradong magugulat siya. Konserbatibo manamit ang mga tao sa mundong nakasanayan niya.
"Let's go?" tanong ni Ate Tiffany.
Hinawakan ko ang kamay nito upang pigilan itong maglakad. "Can I ask something? Gusto ko sanang si Sungjin mismo ang magkuwento sa akin pero mukhang malabong mangyari 'yon."
Tumatango-tango ito na parang alam nito ang ibig kong sabihin. "You want to know what happened to him before he came here?"
Tumango ako. "He changed... a lot. He seemed like a different person." Pinigilan kong tumulo ang luha ko.
Huminga ito nang malalim. "Marami siyang pinagdaanan bago napadpad sa amin. I'm not sure if I should be the one telling you this. But I think you should know why he's acting this way."
Tahimik lang akong nakinig kay Ate Tiffany.
"Noong umalis siya sa inyo, nagpalaboy-laboy siya sa lansangan habang hinahanap ang Dad niya. May mga taong kumupkop sa kaniya. Hindi niya alam na miyembro pala ang mga ito ng ilegal na organisasyon. T-They forced him to kill people."
Nanatili lang akong tahimik. Hindi ko alam kung ano'ng dapat sabihin. He didn't want to be a knight because he doesn't want to hurt anyone!
"Pinagbantaan siya ng mga ito. They told him they would kill him if he tried to escape. Fortunately, nakatakas siya at napadpad sa amin. He has trouble sleeping at night, thinking they would find him. He hides a knife under his pillow to protect himself."
Mariin akong napapikit. Parang dinudurog ang puso ko habang nakikinig kay Ate Tiffany. Kaya pala ganoon na lang ang naging reaksyon niya noong pinuntahan ko siya sa kuwarto niya. He wasn't trying to kill me.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. "I-I'm sorry, Sungjin. I'm so sorry." Paulit-ulit kong sinabi 'yon kahit alam kong 'di ako naririnig ni Sungjin.
Sungjin went through a lot. I can't imagine how hard it must have been for him. He knew nothing about our world. I should be the one protecting him.
"Don't blame yourself, Ayase. It's not your fault." Tinapik-tapik ni Ate Tiffany ang balikat ko upang patahanin ako. "Sa tingin ko, wala siyang balak ipaalam 'yon sa 'yo dahil ayaw niyang sisihin mo ang sarili mo. Umalis siya dahil gusto niyang hanapin ang dad niya. Kung mayroon mang may kasalanan sa nangyari, 'yon ang masasamang taong gumamit sa kaniya. We already reported them to the police. The police will find them soon."