Chapter 1 Part B

90 6 5
                                    

Chapter One Part B:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter One Part B:

A Day in the Life of Aya


A Y A S E

"AYA!"

Nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin. Napasimangot ako nang makita ang kaibigan ko na pumasok sa classroom namin. Magkaiba kami ng section, nasa Class A siya samantalang nasa Class C ako. Pero magkalapit lang ang mga classroom namin kaya madalas niya akong puntahan.

"Sumama ka sa akin, Ayase," hinihingal na sabi niya. Halatang nanggaling siya sa malayo dahil pagod na pagod siya. Marahil ay tumakbo siya papunta rito.

"Bakit? Tapos na ang klase, hindi ba? Pauwi na nga ako."

"Mamaya ka na umuwi, Aya. Importante ang pupuntahan natin." Hindi na ako nakaangal nang hilain niya ako palabas ng classroom.

"Dahan-dahan lang, Xia. Kapag natapilok ako, makakatikim ka sa akin. Saan ba tayo pupunta?"

"Nilabas na ang result ng competition kanina. Sigurado akong hindi ka maniniwala sa makikita mo."

Biglang kumabog ang dibdib ko. "Nanalo ba ako?"

Hindi niya ako nilingon, at nagpatuloy lang siya sa paghila sa akin. "Ang mabuti pa, tingnan mo na lang."

Nagpatangay na lang ako sa paghila niya sa akin. Kinakabahan ako. Paano kung hindi ako nanalo? Mawawalan ako ng dahilan para mapalapit sa lalaking gusto ko.

Tumigil kami sa tapat ng isang malaking white board. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng naroon. Nagbubulungan sila kaya hindi ko marinig kung ano ang sinasabi nila. Hindi ko na lang sila pinansin.

Napadako ang mga mata ko sa mga nakapaskil sa white board. Natutop ko ang aking bibig nang makita ko ang iginuhit ko na kasama roon. "Xia, I won the first place! I can't believe this!" Gusto kong magtatalon sa sobrang tuwa pero nakuntento na lamang ako sa pagyakap sa kaibigan ko.

"Masaya ako na nanalo ka pero hindi 'yan ang gusto kong ipakita sa 'yo."

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at muling tiningnan ang masterpiece ko. Parang may mali. Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapagtanto kung ano iyon.

"Wala akong nunal sa mukha, Miss Devora," anang lalaki sa likod ko.

Para akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Hindi ko siya magawang lingunin dahil nahihiya ako. Sigurado akong may ideya na siya sa nararamdaman ko para sa kaniya dahil siya ang iginuhit ko.

"B-Brian?" halos pabulong na sabi ko.

"Anyway, congratulations. You did great."

Lakas-loob ko siyang nilingon, at doon ko nakita na nakangiti siya sa akin. Parang gusto kong matunaw dahil sa mga ngiti niya. Halos mawalan na siya ng mga mata dahil sa lawak ng kaniyang pagkakangiti.

A Cold Day in AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon