Chapter 14 Part B:
Get Hopes UpA Y A S E
DUMATING ako sa café na tinutukoy sa natanggap kong text. Inilibot ko ang paningin ko sa loob nito. Hinanap ng mga mata ko si Dowoon, but I can't see him anywhere. Napagpasiyahan ko na ukupahin ang bakanteng table kung saan matatanaw ang mga pumapasok at lumalabas ng café. Natatanaw ko rin mula rito ang dalawa kong bodyguard na nakaupo sa labas.
Hindi mabura ang ngiti sa mga labi ko. Sa wakas ay makukuha ko na ang sketchpad ko. Makakabalik na si Sungjin sa pinanggalingan niya. I will be able to draw him again. Kailangan ko na lang siyang hanapin.
Ilang minuto na ang lumipas ngunit walang anino ni Dowoon na nagpakita. Hindi na ako makapaghintay. Tinext ko siya at tinanong kung nasaan na siya. Ngunit hindi siya tumugon sa mensahe ko. Nagsimulang mamawis ang dulo ng ilong ko. Huwag niyang sabihing hindi niya ako sisiputin.
Lumipas pa ang ilang minuto ngunit wala pa ring Dowoon na nagpapakita. Hindi ko inaalis sa screen ng phone ko ang paningin ko, nagbabakasaling mag-reply siya.
"Look who we have here."
Para akong napako sa kinauupuan ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Muntik ko ng mabitawan ang phone ko dahil sa panginginig ng kamay. Naramdaman ko rin ang panlalamig nito. His menacing presence cast a chill over me.
"It's good to see you, Ayase Devora. Have you been well?"
Hindi ko ito magawang lingunin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone na nasa kamay ko. Nagpupuyos ang kalooban ko dahil sa galit.
Dowoon, ano'ng ibig sabihin nito?
Gusto kong tumakbo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Nanatili lang akong nakaupo roon at walang imik.
"I hope you won't mind if I join you." Umupo ito sa upuan na katapat ko. "Hindi na sisipot ang inutil kong apo. Lilipad na siya papunta sa ibang bansa para pagdusahan ang pagsuway sa utos ko."
Natigilan ako. Somehow, I felt relieved. For a moment, I thought he betrayed me. I'm glad he didn't. I hope he's fine.
Binato ko siya ng masamang tingin. I saw his face for the first time. Kulubot na ang balat niya dala ng katandaan. Ngunit hindi nito naikubli ang kagandahang lalaki noong kabataan niya.
"Wala kang awa. Kahit sarili mong dugo, hindi mo sinasanto." Ikinuyom ko ang kamao ko kasabay ng pagtatagis ng mga bagang ko. "Ano'ng balak mong gawin kay Dowoon?"
His lips curved to a smirk. "Wala kang dapat ipag-alala. Apo ko pa rin si Dowoon. Hindi ko siya ipapapatay. Tuturuan ko lang siya ng leksyon upang magtanda. He used to be an obedient child. He always did as I told and never complained." Biglang tumalim ang mga tingin niya sa akin. "Pero naging matigas ang ulo niya mula nang makilala ka. I wonder how you did it. Did you use some kind of sorcery to brainwash him?"
"Stop spouting nonsense!" Ibinalik ko sa kaniya ang matatalim na titig. "Tell me, bakit mo ginagawa ito? Ano'ng motibo mo?"
"Gusto ko lang mabawi ang kinuha ng pamilya mo sa akin. Kung mayroon mang dapat sisihin kung bakit ko ito ginagawa, walang iba kung hindi ang lolo at lola mo. Kasalanan nila kung bakit ako nagkakaganito." He leant forward. "At ikaw ang magbabayad sa kasalanan nila."
"Itigil mo na ang kahibangan mo. I will not let you do as you please."
Tumayo ako at nagmamadaling lumabas ng café nang hindi siya tinatapunan ng tingin. Saka ko lang naramdaman ang panglalambot ng mga tuhod ko nang makalabas ako roon. Agad naman akong napansin ng dalawang bodyguard kaya inalalayan ako ni Kuya Rafael na makatayo nang maayos.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo? Namumutla kayo," tanong ng kasama nito.
"Let's go home, Kuya Alonzo. I can't stay here any longer."
Nang manumbalik ang lakas ng mga binti ko, nagsimula akong maglakad. Mabilis ang bawat paghakbang ko. Nakasunod lang sa akin ang dalawa na pawang nakakunot ang noo.
"Are you sure you're okay, Ma'am?" muling usisa ni Kuya Alonzo.
Pinilit kong ngumiti. "I-I'm fine. Pagod lang po ako."
"Ma'am, sabihin mo lang kung may nanggugulo sa iyo. Handa po kaming gulpihin ang taong 'yon. Leave it to us!"
"Even though your family is paying us to keep you safe, this is more than just a job for us. We always protect our clients as if our lives depended on it."
Sumilay ang isang totoong ngiti sa mga labi ko. Kahit pa paano ay gumaan ang pakiramdam ko. "Maraming salamat po sa inyo."
Malayo-layo rin ang café sa bahay. Bago makauwi, madadaanan muna namin ang paaralan na pinapasukan ko. Naglakad lang kami papunta sa café dahil wala kaming dalang sasakyan. Nakagawian ko ng maglakad sa tuwing papasok sa paaralan, maging sa pag-uwi. Ngunit sa pagkakataong ito, minabuti kong mag-abang ng masasakyan pauwi. Gusto kong makalayo kaagad sa lugar na ito.
Habang naghihintay kami ng taxi sa gilid ng kalsada, may tumigil na itim na van sa tapat namin kahit hindi namin ito pinara. Hindi maganda ang kutob ko rito.
Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas mula rito ang anim na lalaki na nakasuot ng sumbrero. Bahagyang natatakpan ng anino nito ang mukha nila. Nang akmang lalapit ang mga ito sa akin ay mabilis na humarang ang dalawa kong bodyguard sa pagitan namin at tinutukan sila ng baril.
"One more step and we will shoot you," banta ni Kuya Rafael.
"Don't get in the way!"
Napaatras ako nang magsimula silang magkasakitan. Sinipa ng isa sa mga lalaki ang kamay ni Kuya Rafael na nakahawak sa baril dahilan upang mabitawan niya ito. Nagpalitan sila ng mga suntok. Hinawakan naman ng isa ang wrist ni Kuya Alonzo saka ito pinilipit. Umikot ang lalaki at inundayan ng siko ang bodyguard ko. Napigilan naman 'yon ng huli.
Nagawang patumbahin nina Kuya Rafael at Kuya Alonzo ang dalawang sumugod sa kanila. Ngunit nang sabay-sabay na sumugod ang apat na kasamahan nito, sila naman ang nagulpi. Pinagtulungan silang bugbugin ng mga ito.
"M-Ma'am, takbo!"
Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang may dalawang malaking braso na yumakap sa akin mula sa likod. Tinakpan nito ng panyo ang ilong at bibig ko. Sinubukan kong makawala mula rito ngunit hindi sapat ang lakas ko.
Unti-unting nanghina ang katawan ko kasabay ng panlalabo ng aking paningin. Bago ako tuluyang inagaw ng dilim ay may nahagip na pamilyar na mukha ang mga mata ko.
"Prinsesa!"
Sungjin?
THANK YOU FOR READING!
A C O L D D A Y I N A P R I L
a c o s c u r o