Chapter 13 Part B

54 3 1
                                    

Chapter 13 Part B:
Doorway

A Y A S E

PANAKA-NAKA kong sinisilip ang ginagawa ni Dowoon. Abala siya sa pagpipinta sa pader na naka-assign sa amin. Hindi niya inaalintana ang mga pinturang dumidikit sa kamay niya. He's quite skilled with his hands. I won't deny it.

Nang lingunin niya ako ay agad akong bumalik sa pagpipinta pero huli na dahil nakita niya na akong nakatingin sa kaniya.

Napabuga ako ng hangin at saka siya hinarap. "Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko kahapon. Bakit ako ang gusto mong maka-partner?"

Nagkibit-balikat lang siya at itinuon ang pansin sa pagpipinta.

Naningkit ang mga mata ako. "May pinaplano na naman bang hindi maganda ang lolo mo?"

Tumigil siya sa ginagawa at matiim akong tinitigan. Linapitan niya ako saka itinaas ang kaniyang kamay.
Napapikit ako. Naramdaman ko ang pagdampi ng hintuturo niya sa tungki ng ilong ko.

"What on earth did you put on my nose?" Isa-isa kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ko ang mahihina niyang tawa. "Are you making fun of me, Dowoon?"

"Fifteen minutes left!" anunsyo ni Brian. Ito ang tumatayong facilitator ng ginaganap na contest.

"Let's get back to work, Rodulf," aniya na natatawa pa rin.

Kumunot ang noo ko. "Sinong Rodulf ang tinutukoy mo? Ayase ang pangalan ko, Baka!"

"You don't know him?" Namumula na ang dalawa niyang tainga dahil sa katatawa. "He's the red-nosed reigndeer!"

"What are you trying to imply? Are you saying that I look like him?" Nang punasan ko ang ilong ko, saka ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Nilagyan niya ng pulang pintura ang ilong ko. "Baka!"

"I find you really amusing."

"Kaya ba ako ang pinili mong maka-partner ay dahil naghahanap ka ng magpapatawa sa iyo? Nag-hire ka na lang sana ng clown."

"You can be my clown."

"Tingnan natin kung sino ang mas mukhang clown sa ating dalawa." Kusa akong lumapit sa kaniya. Ipinahid ko sa mukha niya ang paintbrush ko na punong-puno pa ng pintura.

Nagulat siya sa ginawa ko kaya hindi siya nakapag-react. Sinamantala ko ang pagkakataong 'yon para pinturahan ang iba pang bahagi ng mukha niya. Tawa ako nang tawa habang ginagawa ko iyon samantalang siya ay titig na titig sa akin. Nailang ako sa paraan ng pagtitig niya kaya tumigil ako sa pagtawa at bumalik sa pagpipinta.

"Time's up!"

Pagkarinig namin sa sinabi ni Brian ay sabay kaming napatingin sa isa't isa. Sinamaan ko siya ng tingin. "Kasalanan mo kung bakit hindi natin natapos itong piece."

Isang matipid na ngiti lang ang isinagot niya.

"LOLA, may balita na po ba sa paghahanap kay Sungjin?"

Tahimik na umiling si Lola bilang sagot. Ang kaninang excitement na naramdaman ko ay napalitan ng lungkot. Sabik na sabik na akong makita si Sungjin kahit hindi maganda ang huling pagkikita namin.

A Cold Day in AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon