Chapter One Part A:
A Day in the Life of Aya
A Y A S ECongratulations, glad you're doing great! (Woah)
Congratulations, how are you okay? (Woah)
How could you be so fine?
I can see it in your eyes.
The same look that you gave me, that kills me inside. OhI don't even need to ask, yeah.
I know you too damn well, yeah.
I can see that smile and can tell that you did more than move on.I hate that you're happy.
I hope that you can't sleep.
Just knowing that I could be with somebody new,
That I'd be just like you.KUMAPA-KAPA ako sa ibabaw ng mesitang nasa tabi ng kama ko. Nang mahawakan ko ang cellphone ko na tumutunog, pikit-mata ko itong pinindot, at sinagot ang tumatawag.
"Ayase-"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng kaibigan ko. Sinira na naman niya ang tulog ko. Idagdag pa ang nakakainis na ringtone na siguradong siya ang may kagagawan. Umagang-umaga, ang matinis na boses niyang ni-record kaagad ang narinig ko. Palibhasa'y sawi siya sa pag-ibig kaya pati ako pinagdidiskitahan.
"Sorry, the service is currently unavailable. Please try again later."
Pinutol ko agad ang linya bago pa siya makapag-react. Natahimik ang paligid kaya muli akong bumalik sa pagtulog. Ngunit ilang minuto lang ang lumipas, tumunog ulit ang cellphone ko.
Congratulations, glad you're doing great! (Woah)
Congratulations, how are you okay? (Woah)
How could you be so fine?
I can see it in your eyes.
The same look that you gave me, that kills me inside, oh-Kahit labag sa loob ko, sinagot ko pa rin ang tawag para sa ikatatahimik ng kaluluwa niya. "Xia-"
"Hoy, babaeng kalahating hapon at kalahating baliw! Nasaan ka na ba?"
Agad kong inilayo ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses niya. Sinira niya na nga ang tulog ko, balak niya pa sigurong sirain ang pandinig ko. "Ano na naman ba ang problema mo, Xia? Kung yayayain mo akong uminom ng alak, hindi ako puwede. Ayaw ko pang itakwil ng pamilya ko."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "No, that's not it, Aya."
"What is it, then?"
"Nagsisimula na ang competition. Kapag hindi ka pa dumating dito sa loob ng labing limang minuto, hindi ka na papayagang sumali. Kaya kung ako sa iyo, lilipad na ako papunta rito."
Bigla akong napabangon sa kama ko nang marinig ko ang sinabi niya. Napamura ako sa isip ko. "Bakit hindi mo kaagad sinabi?!"
"Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot ang tawag ko. Ano pa'ng hinihintay mo? Bumangon ka na diyan. 'Wag ka ng maligo."