Chapter 17 Part B

19 0 0
                                    

Chapter 17 Part B:
Cold Shoulder

AYASE

INILAPAT ni Wonpil ang kaniyang daliri sa biometric scanner ng tarangkahan nila. Nakarinig kami ng lagitik. Hudyat iyon upang itulak niya ang pinto.

Nauna siyang pumasok sa loob. Kabado akong nakasunod sa kaniya, maya't maya ang paghugot ng malalim na hininga. Nagpaiwan naman sa guardhouse ang dalawa kong bodyguard kasama ang guwardiya nina Wonpil.

Huminto siya at sinulyapan ako. "Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo kung hindi ka pa handang sabihin kay Sungjin ang totoo." May bahid ng pag-aalala ang ngiti niya.

Umiling ako. "Walang magbabago kung patatagalin ko ang paglilihim sa kaniya. I'll only prolong his suffering." Ngumiti ako nang matipid. "He's also special to me, so I don't want to hurt him any longer."

Ngumiti ulit siya bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Huminga ako nang malalim at saka binilisan ang paghakbang upang makasabay sa kaniya.

Habang naglalakad sa malawak na bakuran ng bahay nila, hindi ko maiwasang pagmasdan ang kanilang hardin. Kahit ilang beses ko ng nakita ito, hindi pa rin nababawasan ang pagkamangha ko rito. Punong-puno ito ng iba't ibang uri ng halaman na namumulaklak. Halatang hindi ito napababayaan.

"Tamang-tama pala ang dating natin, Ayase."

Sinundan ko ang tinitingnan niya. Natanaw ko ang pigura ni Sungjin at ng isang babae na nakatayo 'di kalayuan sa malawak na pool. Nakatalikod sa direksyon namin si Sungjin. Abala ang mga ito sa pag-iihaw. Malayo pa lang ay naaamoy ko na ang niluluto nila.

Naglakad si Wonpil palapit sa mga ito. Nang mapagawi sa amin ang tingin ng babae ay nakangiti kami nitong kinawayan at sinenyasan na lumapit. Ngayon lang kami nito nagkita pero hindi ito nag-aalangang ngitian ako.

"Maaga yata ang uwi mo ngayon, Wonpil," puna ng babae nang tuluyan kaming makalapit dito. Kung nilalanggam lang ang tamis ng ngiti ay baka pinagkaguluhan na ito ng mga langgam.

"Maagang natapos ang klase namin. Gan'on din si Aya kaya isinama ko na siya rito."

Pagkasabi niya n'on ay nilingon siya ni Sungjin. Napadako naman ang tingin sa akin ni Sungjin. Nagtama ang mga mata namin ngunit mabilis siyang nag-iwas ng tingin at dumistansya sa akin.

Kumurba ang kakaibang ngiti sa mga labi ng babae habang papalapit sa akin. "Ikaw pala si Aya. I'm Tiffany, Wonpil's older sister. I've been looking forward to meet you."

"Nice to meet you too." Naiilang akong ngumiti dahil sa mapanuri nitong mga mata.

"Maupo ka."

"Thanks." Tumalima naman ako pagkatapos kong ilapag ang bag ko.

"Naikukuwento ka sa amin ng kapatid ko. Matagal ka na naming gustong makilala ni mom." Iniabot nito sa akin ang naluto nilang barbeque. "Ikaw raw ang artist ng comics na The Princess' Knight na pinabasa niya sa akin. I'm your number one fan!"

"T-Thank you." Kinuha ko iyon saka pasimpleng sinulyapan si Sungjin na patuloy lang sa pagpapaypay sa iniihaw.

"I'm her number one fan, Ate! Hindi puwedeng dalawa ang number one kaya pangalawa ka," sabat ni Wonpil.

Hindi nito pinansin ang kapatid. Mas lalo itong lumapit sa akin. "You really look like the princess in that comics. I can't blame this handsome knight for mistaking her as you," bulong nito sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko habang nginunguya ang pagkaing hawak ko. Muntik ko na itong malunok nang buo. "Y-You knew?" Sinulyapan ko ulit si Sungjin upang masiguro na hindi nito narinig ang sinabi ng kapatid ni Wonpil. Gusto kong ako mismo ang magsabi ng totoo kay Sungjin.

A Cold Day in AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon