Chapter Nine Part A:
Starry NightA Y A S E
NANGALUMBABA ako sa mesa habang pinagmamasdan si Jae na maganang kumain. Nagtataka lang ako kasi ang payat niya kahit mahilig naman siyang kumain. Hindi ko alam kung saan napupunta ang kinakain niya.
"So what are you doing here?"
Nilunok niya muna ang pagkaing nginunguya niya bago nagsalita. "Napadaan lang ako. Nakita kitang pumasok dito na may kasamang lalaki kaya sinundan kita."
"Kailan pa kita naging stalker?"
Nagkibit-balikat lang siya bago niya ipinagpatuloy ang pagkain. Napadako naman ang tingin ko kay Sungjin na tahimik lang na nakamasid sa amin habang nakaupo sa tabi ko. Hindi siya kumakain. Ni hindi niya man lang ginagalaw ang pagkain niya.
"May problema ba?"
Nag-iwas ito ng tingin at hindi sinagot ang tanong ko. Huminto sa pagkain si Jae. "Sino siya? Ilang araw ka ring hindi pumasok. 'Wag mong sabihin na siya ang dahilan." Tinitigan niya si Sungjin na nakatingin din sa kaniya habang magkasalubong ang dalawang kilay. Sungjin's lower lip protruded in a pout. "Hold on a second. He seemed familiar to me. Have I seen him somewhere?"
"Boyfriend niya ako. Ikaw, sino ka ba? Boyfriend ka rin ba ng prinsesa?"
Pareho kaming nagulat ni Jae sa sinabi ni Sungjin kaya hindi kami nakapagsalita. It took me some time before I could realized what he had said.
"Kung gan'on, ituturing na rin kitang boyfriend."
Lalong nanlaki ang mga mata ko. Maya-maya'y narinig kong tumawa si Jae. Halos nakanganga na ang bibig niya dahil sa kakatawa. Kahit nawala sa ayos ang suot niyang eyeglass na wala namang glass kung hindi frame lang, patuloy lang siya sa pagtawa. Hindi niya pinansin ang mga tao sa paligid namin na napapalingon sa kaniya.
"I like your sense of humor. No homo."
Tiningnan ko si Sungjin na halos magdikit na ang dalawang kilay bago ibinalik ang tingin sa kaniya. "Just pretend you didn't hear anything. We need to go. Bye!"
Tumayo ako at hinila paalis si Sungjin. Nawala sa isip ko na hindi dapat ako magtagal sa labas dahil baka mapansin ni Lola na wala ako sa kuwarto ko. Kailangan ko ng magmadali. Pagkatapos kong mamili ng mga damit ni Sungjin, pinagpalit ko siya ng damit bago kami umuwi para hindi kami makaagaw ng atensyon katulad ng nangyari kanina.
"PRINSESA—"
Tinakpan ko ang bibig ni Sungjin para hindi kami mapansin ng dalawang guwardiya na nagtatago sa mga halaman na malapit sa gate ng bahay namin. "'Wag kang maingay." Hininaan ko lang ang boses ko. "Makinig ka sa akin, Sungjin."
Tahimik lang siyang tumango. Kahit naguguluhan ay nakinig pa rin siya sa sasabihin ko.
"Kapag nakita ka nila, siguradong hindi ka nila papapasukin sa loob. Sumunod ka sa akin." Nakayuko akong naglakad papunta sa likod ng bahay. Ganoon din ang ginawa niya. Nakarating kami roon nang walang nakakapansin sa amin.
Umakyat ako sa bakod. Nahirapan ako dahil may kataasan ito. Mabuti na lang at inalalayan ako ni Sungjin kaya nakapasok ako sa loob. Sumunod naman siya sa akin.
Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa tapat ng kuwarto ko. Nilingon ko siya. "Marunong kang umakyat, 'di ba?"
Hindi ko na siya hinintay na sumagot, agad akong nagsimula na umakyat sa balkonahe ng kuwarto ko. Dito ako palaging dumadaan sa tuwing tatakas ako sa bahay kapag may pupuntahan kami ni Xia nang palihim. Madali lang na nakasunod sa akin si Sungjin. Nakahinga ako nang maluwag dahil walang nakakita sa amin.
Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob ng kuwarto ko. Pabagsak akong nahiga sa kama ko. Sobra akong napagod kanina. Gutom na rin ako.
"Prinsesa—"
Agad akong bumangon at tinakpan ang bibig ni Sungjin. Naramdaman ko na naman ang mainit niyang temperatura nang muling magdikit ang balat namin. "Hinaan mo lang ang boses mo."
Titig na titig siya sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Napansin kong namumula ang mukha niya. Mataas din ang temperatura niya.
"May sakit ka ba?" Pinakiramdaman ko ang noo niya. Parang napaso ang palad ko kaya inalis ko agad iyon sa noo niya. Natataranta akong nagpabalik-balik sa harap niya habang nag-iisip kung ano ang dapat kong gawin. "Ano'ng gagawin ko?" Nasapo ko ang noo ko at pilit na nag-isip.
Hinawakan niya ang magkabila kong braso kaya napatigil ako sa paglalakad, at hinarap siya. "Ayos lang ako," paanas na wika niya.
Napayuko ako. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka?" Wala akong kuwentang tao. Hindi ko kaagad napansin na may sakit siya. Pinaakyat ko pa siya kahit hindi maayos ang pakiramdam niya.
PINIGAAN ko muna ang bimpo bago iyon ipinatong sa noo ni Sungjin. Hinawi ko ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya. Nang ma-realize ko na nakatingin ang mapupungay niyang mata sa akin ay lumayo ako nang kaunti sa kaniya. Ayaw kong bigyan niya ng kahulugan ang mga ginagawa ko.
Pansamantala ko muna siyang pinatuloy sa attic habang hindi ko pa nasasabi sa pamilya ko ang tungkol sa kaniya. Dito namin iniimbak ang mga kagamitan na hindi namin nagagamit pero puwede pang gamitin. Dito rin nakalagay ang mga lumang gamit ng yumao kong lolo. May maliit din ditong kama na siyang pinagamit ko kay Sungjin.
"Kailangan na nating bumalik sa palasyo ng Tierra. Siguradong hinahanap ka na ng hari at reyna."
Sinubukan niyang tumayo kaya pinigilan ko siya. "Magpahinga ka muna riyan. Kukuha ako ng makakain mo. Babalik agad ako." Nagtungo ako sa hagdan pababa ng attic na nakakonekta sa kuwarto ko. "Saka na tayo mag-usap kapag magaling ka na." Sinulyapan ko muna siya bago ako tuluyang umalis, at pumunta sa kusina.
Nadatnan kong naghuhugas ng pinagkainan si lola. Tinulungan ko siyang matapos ang ginagawa bago ako humingi ng pabor sa kaniya.
"Lola, puwede mo ba akong turuan na magluto ng lugaw?"
Hindi siya sumagot. Nginitian niya lang ako. May napansin akong kakaiba sa ngiti niya pero napagpasyahan kong huwag na lang magtanong.
A C O L D D A Y I N A P R I L
a c o s c u r o