Chapter 4 Part B

42 4 0
                                    

Chapter Four Part B:

Sword Dance

S U N G J I N

HUMIGPIT ang hawak ko sa sword upang hindi ito tumilapon kagaya ng palaging nangyayari sa tuwing sinasanay ako ni Ama. Bawat paggalaw ng katawan ko, mababasa ang matinding determinasyon. Halatang nasisiyahan si Ama dahil sa ipinapakita kong pagbabago.

Ngunit hindi ko inaasahang may nakausling bato sa naapakan ko kaya muntik na akong matumba. Ginamit ni Ama ang pagkakataong iyon para atakihin ako. Natamaan ako ng sword niya sa braso dahilan upang mamilipit ako sa sakit. Mabuti na lang at gawa sa kahoy ang ginagamit namin sa pagsasanay kaya't hindi ako nasugatan.

Muli niya akong inatake. Ginamit kong pangharang ang kaliwang braso ko, saka ko sinipa ang kamay niya na nakahawak sa sword niya. Nabitawan niya ito pero namilipit naman ako sa sakit. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero agad din naman siyang nakabawi. Ngumisi siya, saka niya pinulot ang sword na nalaglag sa lupa at ginamit iyong pamalo sa binti ko. Napaluhod ako. Tinamaan niya rin ang kabila kong binti kaya tuluyan na akong bumagsak sa lupa. Ramdam ko ang pananakit ng laman, at buto ko.

"Mahusay."

Natigilan ako. Ngayon lang ako pinuri ni Ama. Nakakataba pala ng puso kapag pinupuri ng sariling magulang.

"Ang pagsasakripisyo ng isang bahagi ng katawan ay isang kahangalan ngunit isa rin itong matalinong pamamaraan. Pero 'wag mong hahayaan na mauwi sa wala ang sakripisyo na ginawa mo." Tinulungan niya akong tumayo na hindi naman niya kadalasang ginagawa. "Kulang pa ang kaalaman mo sa pakikipaglaban. Kailangan mo pang magsanay." Tinapik niya ang balikat ko, at tinitigan ako nang diretso sa mga mata. "Hindi mo ito ginagawa para lang maprotektahan ang mga may dugong bughaw. Ginagawa mo ito para protektahan ang mga tao sa paligid mo, at ang iyong sarili, Anak."

Tumango ako. "Hinding-hindi ko kakalimutan ang mga sinabi mo, Ama."

Pareho kaming napatingin sa direksyon ng isang babae nang marinig naming pumapalakpak ito. Nakangiti ito sa amin. "Oras na para kumain. Mamaya niyo na ipagpatuloy 'yan."

Napangiti ako nang masilayan ang mga ngiti ni Ina. Hindi ko siya maihahalintulad sa kahit anong bagay dahil walang katulad ang ganda niya. Kasama niya ang nakababata kong kapatid na babae na kamukhang-kamukha niya.

Lalo akong napangiti nang lumitaw sa isip ko ang imahe ng isang babae na nagtatampisaw sa malinaw na tubig ng ilog. Pasensya na, Ina, at mahal kong kapatid, ngunit tatlo na kayong maganda sa paningin ko.

SUNOD-SUNOD na tumulo ang pawis mula sa noo ko pagkatapos kong magsagawa ng sword dance. Nagpalakpakan ang mga tao na nakakita sa ginawa ko. Ginagawa ang ritwal na ito sa araw ng ikalabingwalong kaarawan ng isang lalaki na katulad ko upang maging ganap na knight.

Tinapik ni Ama ang balikat ko nang lumapit siya sa akin. Nginitian naman ako ni Ina. Kasama rin nila ang kapatid kong si Janna.

Nahagip ng mga mata ko ang babaeng kanina ko pa gustong masilayan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang buo niyang pangalan. Pero hindi ko inaasahang dadalo siya. Balak ko sana siyang lapitan ngunit nakita kong kausap nito si Joross, at mukhang nagkakatuwaan sila.

Nag-iwas ako ng tingin nang mapansin kong nakatingin sila sa direksyon ko. Hindi ako sigurado kung ako ang tinitingnan nila o ang nasa likod ko.

"Ginoo!" narinig kong tawag sa akin ng Prinsesa. Kumaway pa ito sa akin habang may ngiti sa mga labi. Sandali nitong kinausap si Joross bago ito lumapit sa akin.

A Cold Day in AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon