Chapter 8 Part B

37 3 2
                                    

Chapter Eight Part B:
A Knight's Promise

A Y A S E

HINDI muna ako pumasok kahit na may pasok kami. Natatakot akong lumabas ng bahay dahil baka maulit 'yong nangyaring pagdukot sa akin. Hindi pa nakukuha ng matanda ang kailangan niya sa akin kaya siguradong babalikan niya ako.

Dahil sa nangyari, nag-hire sina lola ng guwardiya na magbabantay sa labas ng gate. Bawal na rin ako lumabas ng bahay nang walang kasama. Doble na ang pag-iingat namin lalo na't hindi pa rin nahuhuli ang mga salarin. Hanggang ngayon, pinaghahanap pa rin sila ng mga pulis.

Dumungaw ako sa labas ng bintana. Makulimlim ang kalangitan, mukhang uulan. Biglang sumagi sa isip ko si Sungjin. Hindi ko pa rin alam kung nasaan siya. Hindi ko naman siya mahanap dahil hindi ako basta-basta nakakalabas ng bahay.

Biglang kumidlat kaya lumayo ako sa bintana ng kuwarto ko. Maya-maya'y kumulog nang malakas na sinabayan pa ng pagbuhos ng malakas na ulan. Nagpasya na lang ako na manood ng palabas sa TV dahil wala akong magawa. Palipat-lipat lang ako ng channel hanggang sa makuha ng isang news ang atensyon ko.

"Isang lalaki ang nag-viral sa social media matapos i-upload ng isang netizen ang video nito habang inililigtas ang mga tao na nasa loob ng isang bangko mula sa kamay ng tatlong armadong lalaki. Kasalukuyan itong nasa pangangalaga ng mga pulis dahil pinaniniwalaang wala ito sa tamang pag-iisip."

Halos malaglag ang panga ko nang makilala ko ang lalaki sa video clip na pinakita sa TV. "That's Sungjin!"

Nakahinga ako nang maluwag dahil kahit pa paano ay maayos ang lagay niya. Kailangan ko siyang puntahan pero hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang mga guwardiya na nagbabantay sa labas ng bahay. Wala ang mga magulang ko dahil may trabaho sila at mamaya pa sila makakauwi. Si lola naman ay nagluluto ng hapunan kaya hindi niya mapapansin kung wala ako sa kuwarto ko. Wala rin si Aki dahil nasa school pa ito.

Sumilip ako sa bintana. Nakita kong nagbabantay sa labas ng gate ang dalawang guwardiya. Parang may tumunog na ilaw sa ibabaw ng ulo ko nang may maisip akong plano.

Dali-dali akong pumunta sa kusina. Nakita ko si lola na abala sa kaniyang ginagawa. Lumapit ako sa fridge at kumuha ng dalawang sandwich at maiinom. Lumabas ako ng bahay at niyaya ang mga guwardiya na magmeryenda sa balkonahe kung saan hindi tanaw ang gate. Nagdalawang-isip pa sila na tanggapin ang alok ko pero napapayag ko rin sila sa huli. Pagkatapos ay isinagawa ko na ang plano ko.

NAKARATING agad ako sa police station na binanggit sa balita. Hinanap ng mga mata ko si Sungjin. Nakita ko siyang nakaupo sa isang tabi at kinakausap ng isang police. Madali ko lang siyang nahanap dahil agaw pansin ang kasuotan niya.

"Ano'ng pangalan mo, binata?"

"Sungjin. Isa akong knight na naglilingkod sa prinsesa ng Tierra. Maaari na ba akong umalis? Kailangan ko pang hanapin ang prinsesa."

Napakamot sa ulo ang kausap nitong pulis, samantalang ako naman ay namumula sa hiya. If only I knew this would happen, I would have made him the coolest man on earth.

Nilapitan ko sila dahil baka kung ano-ano pa ang masabi ni Sungjin. Napatayo si Sungjin nang makita ako. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Naramdaman ko rin ang mainit niyang temperatura nang magdikit ang balat namin. "Prinsesa!"

Kumawala ako mula sa pagkakayakap niya, at bumaling sa kausap niyang pulis. "Please forget everything he had said. He was just joking, and I'm really sorry about that."

"Sino ka ba, Jiha? Kaano-ano mo ba ang lalaking 'to?"

Nagbukas-sara ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin na ako ang lumikha kay Sungjin. Siguradong iisipin niya na nasisiraan din ako ng bait kagaya ni Sungjin.

A Cold Day in AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon