Chapter 2 Part A: Sketchpad

96 11 1
                                    

Chapter Two Part A:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter Two Part A:

Sketchpad

S U N G J I N

NAKAUPO ako sa malaking bato sa tabi ng malinaw na ilog. Lagi akong pumupunta rito kapag nagtatalo kami ni Ama.

Napatayo ako nang mapansin kong hindi ako nag-iisa. Umakyat ako sa itaas ng puno na malapit lang sa pampang at doon nagtago. Mula sa kinaroroonan ko, natanaw ko ang isang babaeng nagtatampisaw sa malinaw na tubig. Halos kasing edad ko lang ito, at hindi maikakaila na taglay nito ang kariktan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan ang bawat kilos niya nang may paghanga.

Pumunta ito sa malalim na bahagi ng tubig, at saka sumisid. Hinintay ko itong umahon. Pero ilang minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin ito umaahon.

Doon nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Baka nalunod na ito.

Dali-dali akong bumaba sa puno at nagtungo sa lugar kung saan ko ito huling nakita. Sumisid ako sa tubig ngunit hindi ko ito makita. Nagulat na lang ako nang maramdaman kong may humihila sa paa ko. Nang lingunin ko ito, nakita kong may kamay na makahawak dito. Mas lalo akong nagulat nang makita ko ang isang babaeng may mahabang buhok na nakatakip sa mukha nito.

Kinilabutan ako bigla. Naibuka ko ang aking bibig kaya aksidente akong nakainom ng tubig mula sa ilog. Sinubukan kong umahon pero hinihila ako pababa ng babae na sa tingin ko ay engkanto. Saka ko lang naalala na may mga kuwentong kumakalat tungkol sa babaeng engkanto na nagpapakita rito. Sa tagal kong nagpapabalik-balik dito, ngayon ko lang ito nakita.

Nauubusan na ako ng hininga. Napansin kong may itinuturo ito sa paanan ito. Doon ko lang napagtanto na naipit ang damit nito sa pagitan ng mga bato.

Binitawan nito ang paa ko. Agad akong lumangoy patungo roon at inalis ang damit nito mula sa pagkakaipit. Nang magawa ko iyon, hinila ko na pataas ang babae. Inalalayan ko itong makarating sa pampang. Wala na akong pakialam kung engkanto man ito o ano.

Naupo ito sa malaking bato na inupuan ko kanina. Umubo ito at naglabas ng tubig. Hawak pa rin nito ang braso ko. Habol ko naman ang aking paghinga. Akala ko, mamamatay na ako kanina.

"E-Engkanto ka ba?" nag-aalinlangang tanong ko rito.

Hinawi nito ang buhok na nakatakip sa kaniyang mukha, at tumambad sa akin ang pamilyar na mukha ng isang babae. Nakilala ko kaagad ito. Siya 'yong babae kanina na inakala kong nalunod.

Natigilan ako nang marinig ko itong tumawa. "Nakakatawa ka, Ginoo. Hindi mo ba ako nakikilala?" Halatang aliw na aliw siya sa akin.

"Sino ka ba?"

Ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Isang ngiti na hindi ko inakalang babago sa buhay ko.

A Cold Day in AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon