Chapter 5 Part B

34 4 0
                                    

Chapter Five Part B:
Come Into Life

A Y A S E

TUWANG-TUWA si Lola nang mag-uwi ako ng aso sa bahay. Alagang-alaga niya pa nga ito. Sa katunayan, mas inuna niya pa itong asikasuhin kaysa sa akin na apo niya.

"Lola, sino ba talaga ang apo mo? Ako o 'yang aso?" I asked, pouting like a child.

Tawa lang ang isinagot niya sa akin. "Dumaan pala kanina si Xia. Hinahanap ka niya. Gusto ka raw niyang makausap. Nag-away ba kayo?"

Sumikip ang dibdib ko nang marinig ang pangalan ni Xia. Hindi ako nagkomento. Nginitian ko na lang siyang nang matipid. "Magpapahinga po muna ako, Lola."

Hindi ko na hinintay ang sunod niyang sasabihin. Pumasok kaagad ako sa kuwarto ko. Inilapag ko ang mga gamit ko sa mesita at saka pabagsak na nahiga sa kama.

Biglang tumunog ang phone ko na nasa bulsa ng skirt ko. Kinuha ko agad 'yon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Pinatay ko ito nang mabasa ko ang pangalan ni Xia.

Hindi ako galit sa kaniya. Nasasaktan lang ako dahil aalis na siya at iiwan ako. Ayaw kong mawalan ng matalik na kaibigan. Besides, she's more than a friend to me. Parang kapatid na ang turing ko sa kaniya. Sa katunayan, mas malapit pa ako sa kaniya kaysa sa nakababata kong kapatid na babae.

I don't want her to leave.

SABADO ngayon, walang pasok. Tiyak, buong araw na naman akong mananatili sa loob ng kuwarto ko.

I turned my phone on. Sunod-sunod na nagsidatingan ang mga messages galing kay Xia. Hindi ko na sana papansinin 'yon pero may bagong message na dumating.

Wala sa oras na napatakbo ako palabas ng bahay namin pagkabasa ko niyon. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos ng sarili dahil baka mahuli ako ng dating. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Lola pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Kailangan kong magmadali.

Malayo-layo rin ang bahay nina Xia sa bahay namin kaya halos maubusan ako ng hininga nang makarating ako roon. Agad akong nag-doorbell kahit hinihingal pa ako. Naghintay ako ng ilang segundo bago muling pinindot iyon. Paulit-ulit ko iyong pinindot pero walang lumalabas na tao.

Nahuli na yata ako ng dating. Nakaalis na siguro sila.

Dismayado akong napaupo sa harap ng gate. Kung hindi ako nag-inarte, baka nakapagpaalam pa ako kay Xia. Alam ko naman na wala akong magagawa sa desisyon ng mga magulang niya. Naging selfish ako. Hindi ko naisip na pareho lang kami ng mararamdaman ni Xia.

Sinubukan ko siyang tawagan pero naka-off na ang phone niya. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.

Ilang minuto rin akong nanatili roon bago ko napagpasyahang umuwi. Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ni Lola.

Hindi na niya ako tinanong kung saan ako nagpunta. "Nakalimutan ko palang ibigay ito sa 'yo kahapon." Ipinakita niya sa akin ang hawak niyang kuwintas na paboritong suotin ni Xia.

Kinuha ko iyon at niyakap siya nang mahigpit. Doon ako umiyak sa balikat niya. "Xia went to Cebu. Hindi ko na siya makikita pa, Lola." Para akong bata na nagsusumbong sa kaniya dahil nawalan ng lollipop.

Hinaplos niya ang buhok ko, at sinubukan akong patahanin. "Everything's going to be alright."

S U N G J I N

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mga mata. Noong una'y nasilaw ako sa sinag ng araw na tumatama rito ngunit nang maglaon ay unti-unti na rin akong nasanay sa liwanag. Inilibot ko ang paningin ko. Mag-isa ako sa loob ng isang maliit na silid.

Sinubukan kong bumangon. Nakabangon ako ngunit biglang sumakit ang batok ko. Pakiramdam ko, pinukpok ako ng dalawang beses sa bahaging 'yon.

Nagmamadali akong lumabas ng bahay nang maalala ko ang nangyari. Dinukot ang prinsesa! Kailangan ko itong hanapin.

Naglakad ako upang hanapin si Ama. Siguradong matutulungan ako nito sa paghahanap.

Bawat taong makasalubong ko ay napapatingin sa akin. Parang sinasabi ng mga tingin nila na may nagawa akong malaking kasalanan. Hindi ko na lang sila pinansin, at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Nakasalubong ko si Joross. Balak ko sanang itanong kung nasaan si Ama pero bigla niya akong sinuntok. Hindi ko iyon inaasahan kaya bumagsak ako sa lupa habang hawak ang labi ko na pumutok. Hindi ko maikakailang malakas siyang manuntok. Binunot niya ang kaniyang espada, at itinutok ito sa akin.

"Dahil sa kapabayaan mo, nadukot ang prinsesa! Hindi ka karapat-dapat na maging knight, Sungjin!"

Kung hindi pa dumating sina Ina, baka ibinaon niya na iyon sa leeg ko.

"Walang kasalanan ang anak ko sa pagkawala ng prinsesa, Joross. Kung mayroon mang dapat sisihin dito, iyon ay ang seguridad palasyo. Hindi ba't isa ka sa mga naatasang magbantay sa tarangkahan? Hindi niyo dapat hinayaang makapasok ang mga dumukot sa prinsesa."

Ibinalik niya ang kaniyang espada sa lalagyan nito. "Ano ang nais mong palabasin, Ginang Sonja? Kung nadito lamang si Knight Hendrix, siguradong sisisihin niya rin ang anak niyo dahil sa kapabayaan nito." Tinitigan muna ako nito nang masama bago ito umalis.

"Ano'ng ibig niyang sabihin, Ina? Nasaan si Ama?"

Kahit na may pag-aalinlangan akong nabasa sa kaniyang mga mata, sinagot niya pa rin ang tanong ko. "Sinundan ng iyong Ama ang mga dumukot sa prinsesa ngunit hindi na ito nakabalik pa." Narinig ko ang paghagulhol nito ng iyak. "Walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kaniya."

A   C O L D  D A Y  I N   A P R I L
a c o s c u r o

A Cold Day in AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon