Chapter 12 Part A: Cast and Director

48 2 2
                                    

Chapter Twelve Part A:
Cast and Director

A Y A S E

"PASENSYA na kung ngayon lang kami dumating."

Iyak lang ang naging tugon ko. Umiyak ako nang umiyak sa uniporme niya. Wala akong pakialam kung may kasama na 'yong uhog. Gusto ko lang iiyak ang lahat. I was so scared. Akala ko, katapusan ko na.

Nanatili lang kami sa ganoong ayos. Hindi ko alam pero napakakomportable ng pakiramdam ko habang nakakulong ako sa mga bisig niya. Hindi man naging maganda ang unang impresyon ko sa kaniya, nararamdaman ko namang ligtas ako sa kaniya.

Nang humupa na ang pag-iyak ko, saka ko lang napansin na may iba pa palang tao bukod sa amin. Nakaramdam ako ng hiya, matinding hiya. May kakaibang kurba ang mga labi nito habang pinapanood kami. Akala niya siguro, may namamagitan sa aming dalawa.

"Hindi ako tissue, Ayase," natatawang sabi ni Jae habang inaalo ako. Marahang hinahaplos ng kanang kamay niya ang buhok ko.

"Stop fooling around, Jae. Take her to the infirmary. She must be really shock," wika ng babae na nakatayo sa gilid ni Jae. Hindi pa rin nawawala ang kakaibang kurba sa mga labi nito. Wala akong ideya kung sino ito dahil ngayon ko pa lang ito nakita.

Agad akong humiwalay kay Jae nang mapagtanto kong nakayakap pa rin ako sa kaniya. I don't want him to get the wrong idea.

"Are you hurt? You look so pale," tanong ni Jae. Napansin niya siguro ang panginginig ng katawan ko noong nakayakap pa ako sa kaniya. "Kaya mo bang maglakad? Sasamahan kita sa infirmary."

"And don't leave her," dugtong ng babae.

Inalalayan ako ni Jae sa paglalakad habang nakasunod ito sa amin na panay ang ngiti lalo na kapag nagagawi ang mga mata ko sa kaniya. Huminto ako nang may maalala. Maging sila ay huminto sa paglalakad nang mapansin ang pagkataranta ko. "Paano 'yong sunog? Kailangan nating tumawag ng mga bumbero."

"Oh, that?" ani Jae sabay lingon sa pinanggalingan namin. "There's nothing to worry about. Hindi totoo 'yan. Walang sunog na nagaganap. Gawa-gawa lang namin 'yan para mailigtas ka." Then he winked at me.

Hindi pa rin ako kumbinsido. "Kung gan'on, bakit ang kapal ng usok?"

"Si Brian lang ang nakakaalam sa bagay na 'yan. I'm not fond of science unlike him. Honestly, I never thought that that goody-goody smart-ass could pull off something like this," iiling-iling na wika ni Jae. Narinig ko namang tumawa ang babae na nakasunod sa amin bilang pagsang-ayon.

"So this was all Brian's idea?" Sabay silang tumango habang nakangiti. Naguguluhan pa rin ako. "But how did you know that something bad's happening to me? I never got the chance to ask for help."

"Jae suspected it."

"There's something sinister about the way he looked at you. Malakas ang kutob ko na may masama siyang binabalak sa 'yo kaya binantayan ko ang mga kilos niya. Mas lalong lumakas ang kutob ko nang marinig ko ang pag-uusap ng dalawang estudyante na kagagaling lang sa opisina na pupuntahan mo. Ibinagsak daw sila ng hayop na 'yon dahil hindi sila pumayag sa kahalayan nito. I tried to warn you."

"Pero hindi kita pinansin. I'm sorry," nakayukong sabi ko. Pinangunahan ako ng galit noong mga sandaling 'yon. 'Pag galit ako sa isang tao, mas pinipili ko na iwasan ang taong 'yon dahil ayaw kong may masabing masama. Hinihintay ko munang humupa ang galit ko bago ko sila kausapin. Muntik na tuloy akong mapahamak dahil sa ugali kong 'yon. Pero mahirap kasing baguhin ang nakasanayan.

"Mabuti na lang at hindi pa nakakauwi ang mga miyembro ng Art Club kaya may nahingan ako ng tulong. But it took us some time to prepare and execute the plan. Hindi na ako nakahingi ng tulong sa mga awtoridad dahil hindi naman sila maniniwala sa akin. After all, it was all just a hunch. Wala akong pruweba na magpapatunay na may binabalak nga siyang masama sa 'yo."

Nang maalala ko ang walang hiyang gurong iyon ay bumalik ang lahat ng takot at kabang naramdaman ko kanina. Nakaramdam din ako ng galit. "Bilisan na nating maglakad. Baka bumalik siya rito at maabutan niya pa tayo. He's armed! Wala tayong laban sa kaniya!" Lumingon ako sa pinanggalingan naming opisina. Wala man akong nakitang tao roon, maliban sa bodyguard ko na nagtangkang tumulong sa akin na hanggang ngayo'y wala pa ring malay at nakabulagta sa sahig, 'di pa rin maalis sa akin ang nararamdamang takot at kaba. "Humingi na tayo ng tulong sa mga pulis! Baka mapahamak 'yong bodyguard ko kapag naabutan siya ng hayop na 'yon."

Pinakalma nila ako nang mapansin nila ang muling panginginig ng katawan ko. Mas humigpit naman ang hawak sa akin ni Jae habang inaalalayan pa rin akong maglakad. "Calm down, Ayase."

Tiningnan ko lang siya na parang hindi makapaniwala. Paano ako kakalma sa ganitong sitwasyon? Mukhang wala ng katao-tao sa lugar na ito kaya kapag nangyari ang kinatatakutan ko ay walang sasaklolo sa amin kahit pa sumigaw kami nang malakas. Napakalaki ng school na 'to. May mga guwardiya nga pero malabong magawi sila rito dahil siguradong nasa kaniya-kaniya silang puwesto sa mga oras na 'to. Mamaya pa naka-schedule ang pag-iikot nila para masigurong wala ng tao sa loob ng school bago nila isara ang gate.

"About that, somebody already took care of him. Tumawag na rin kami ng mga pulis nang makumpirma namin na tama ang hinala ni Jae. Darating na sila maya-maya lang kaya wala ka ng dapat ipag-alala. Hindi ka na niya masasaktan. You're safe now."

Ilang sandali lang ay narinig na namin ang malakas na sirena ng sasakyan ng mga pulis. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang sarili kong umiyak ulit pero nabigo ako. Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko. Kinabig naman ako ni Jae palapit sa kaniya kaya isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak nang tahimik.

The whole club saved me! Hindi ko alam kung paano ko sila pasasalamatan. "Thank you so much. Kung hindi dahil sa inyo, baka may nangyari ng masama sa akin. Thank you and I'm sorry for causing so much trouble."

"Ano ka ba, Ayase? Pamilya ang turingan namin sa club. At dahil parte na kayo ng Art Club, pamilya na rin namin kayo."

Mas lalo lang akong napaiyak dahil sa sinabi ng babae. Napakasuwerte ko pala dahil napabilang ako sa club nila.

"Puwede na siguro akong umalis ngayong tapos na ang role ko, 'di ba? Ngayon ko lang naalala na kailangan ko pang bumalik sa broadcasting station. Hindi ko pa napapasalamatan 'yong dalawang tumulong sa atin. Bye!" paalam ng babae na hindi ko man lang nalaman ang pangalan dahil nagmamadali na itong umalis.

THANK YOU FOR READING!
A   C O L D  D A Y   I N   A P R I L
a c o s c u r o

A Cold Day in AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon