Chapter 14 Part A: Get Hopes Up

41 3 0
                                    

Chapter Fourteen Part A:
Get Hopes Up

A Y A S E

"AYASE, 'wag mong uulitin ang pagkakamaling nagawa namin ng lolo mo. Magmahal ka ng totoong tao, huwag ng lalaking bunga lang ng imahinasyon mo. Mangako ka sa akin, apo."

Nilamukos ko ang pahina ng sketchpad na ginuguhitan ko. Ginulo ko ang buhok ko saka parang lantang gulay na sumandal sa bench kung saan ako nakaupo. "This is so frustrating!"

Ilang oras na akong nakaupo rito. Sumasakit na ang pang-upo ko. Ilang ulit ko na ring sinubukang iguhit si Sungjin pero palagi akong nabibigo. Bawat detalye ng mukha niya ay kabisado ko. Mula sa takong ng paa niya hanggang sa kadulo-duluhan ng kanyang buhok ay alam na alam ko. Ngunit hindi ko magawang iguhit ang mga 'yon. Kahit anong pilit ay hindi ito maalala ng mga kamay ko.

Hindi rin ako makapagpokus sa ginagawa. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi ni Lola noong huli kaming nagkausap. Hindi ko siya nakausap nang maayos dahil iyak siya nang iyak. Bawat pagpatak ng mga luha niya, pakiramdam ko'y may pumipiga sa puso ko. It hurts to see her cry.

Ito ang pangalawang beses na binalaan niya ako na huwag ulitin ang nagawa nilang kasalanan ni Lolo. Noong una ay hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko maiwasang mag-isip na konektado rito si Uno.

Darating ang panahon na mahahanap ko ang sagot sa mga katanungan ko. Sa ngayon, kailangan ko munang pagtuunan ang isa pang importanteng bagay.

Nag-unat ako ng katawan saka ibinaling ang mga mata sa sketchpad na nasa kandungan ko. Sinubukan ko ulit iguhit si Sungjin pero muli na naman akong nabigo. Pinunit ko ito at nilamukos. Itinapon ko ito sa basurahan na malapit sa akin.

Nakipagtitigan ako sa mga halamang nakatanim sa harap ko saka napabuga ng malalim na hininga. "I want to see Sungjin."

Hindi ko na muling nakausap si Dowoon. Hindi ko na rin siya nakikita o nakakasalubong man lang sa loob ng campus. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naibabalik sa akin ang sketchpad ko, taliwas sa ipinangako niya. Marahil ay nagkamali ako ng pagkakakilala sa kaniya. Akala ko ay marunong siyang tumupad sa pangako.

"Interesado ka na rin sa two-dimensional na tao?" Hindi ko na kailangang lingunin ang lalaking nagsalita para makilala ito.

"Hindi pa ako nasisiraan ng ulo, Jae," pagsusungit ko. "At saka, hindi ako puwedeng magkagusto sa hindi totoong tao. Nangako ako kay Lola."

Umupo siya sa bench na kinauupuan ko at sinilip ang ginagawa ko. Hawak niya ang isa sa mga papel na nilamukos ko. "They're humans, Ayase. May kakayahan din silang mag-isip at makaramdam ng emosyon katulad natin."

Narinig ko ang sarili kong boses sa isipan ko. "Wala naman po akong nakikitang mali roon. Katulad natin, tao rin siya, may sariling pag-iisip at nakakaramdam." Hindi ko inaasahan na maririnig ko mula sa kaniya ang sinabi ko noon kay Lola tungkol kay Sungjin.

Napatingin ako sa kaniya nang wala sa oras. Bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha. Nakakapanibago ang Jae na kaharap ko ngayon.

"Nandito ka ba para pangaralan ako?" Ngumuso ako at nangalumbaba.

"Hinahanap ka ni Brian. Pumunta ka raw sa art room, may mahalaga kayong pag-uusapan."

Tiningnan ko siya nang may pagtataka. "Tungkol saan?"

Nagkibit-balikat siya. "Bakit hindi mo na lang siya puntahan? Naghihintay siya sa art room."

Niligpit ko ang mga gamit ko saka agad na tumayo. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting excitement. Pilit ko iyong itinago mula sa mapanuri niyang mga mata. "Kung gano'n ay aalis na ako. See you around, Jae!"

Hinatid niya ako ng tingin habang naglalakad ako palayo.

Nagtungo ako sa art room. Sumunod sa akin ang dalawang nakaunipormeng lalaki. Nasasanay na ako na laging may nakabuntot sa akin.

Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang pinto. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay bumungad sa akin si Brian na nakaupo sa mesa niya. Nakahalukipkip ang kaniyang mga braso habang nakatingin sa akin.

"Take a seat," seryosong utos niya.

Tahimik akong naupo sa couch habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Kaming dalawa lang ang tao roon kaya hindi ko maiwasang mailang. Hindi pa rin nawawala ang pagwawala ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya.

Iniabot niya sa akin ang phone niya na ikinakunot ng noo ko. "Basahin mo."

Kinuha ko iyon at tiningnan. Napaawang ang mga labi ko habang binabasa ang mga nakasulat doon. Napakarami ng nagpapadal ng e-mail sa kaniya at halos pare-pareho lang ang laman.

"Maraming nagtatanong sa mga tagahanga mo kung kailan ilalabas ang susunod na kabanata ng comics mo, Miss Devora. Araw-araw nila akong binabaha ng messages. Facebook, Twitter, Telegram, name it, lahat ng social media accounts ko ay hindi nila pinapalagpas. Hindi natatapos ang isang araw na walang nangungulit." Halata ang pagkapikon sa tono ng pananalita niya.

Hindi ako nagsalita. Nakatungo kong ibinalik sa kaniya ang phone niya. Hindi ko siya masisisi kung bakit ganiyan ang reaksyon niya.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Alam kong marami kang pinagdaanan nitong mga nakaraang araw, Miss Devora. I can't understand your pain and the trauma that it caused you. I know it's hard for you, but your life must go on."

Kumawala ang isang butil ng luha mula sa mga mata ko. Agad ko itong pinunasan.

Walang sabi-sabi niya akong ikinulong sa matigas niyang mga braso. "I'll lend you my shoulder. Cry your heart out. Don't hold back."

As if on cue, tears started to roll down my face. Tahimik akong umiyak sa balikat niya. Walang nagsasalita sa aming dalawa.

Nang humupa ang pagtulo ng luha ko ay tumingala ako. Nagkasalubong ang mga mata namin. "Why are you doing this? Hindi naman tayo close sa isa't isa."

Pinakawalan niya ako saka siya tumalikod sa akin at inayos ang uniporme niya na nagusot. "You looked like you were about to cry. Hindi kita mapapagalitan nang maayos kung ganoon ang hitsura mo."

"You got my hopes up for nothing," bulong ko sa sarili ko.

Nilingon niya ako. "Did you say something, Miss Devora?"

"Thank you for your concern. I'm fine now." I forced a smile.

Ngumiti rin siya pabalik. "That's good to hear. Kung gano'n, kailan mo ipapasa ang karugtong ng comics mo?"

Nalunok ko ang sarili kong laway. "I'm afraid I can't do that."

Naningkit ang mga mata niya. Ngunit bago pa siya makapagtanong ay tumunog ang phone ko. Mabilis ko itong kinuha at binasa ang text message na kadarating lang.

Meet me at this café after class. Ibabalik ko na sa iyo ang sketchpad mo gaya ng napagkasunduan natin.

Nakalagay sa hulihan ng message ang detalye ng lugar na tinutukoy ng nagpadala n'on. Walang nabanggit kung kanino ito nanggaling ngunit sigurado ako na si Dowoon 'yon. Siya ang may hawak ng sketchpad ko.

"I'm really sorry, Brian. I have to go. Please be strong."

A C O L D D A Y I N A P R I L
UNEDITED. THANK YOU FOR READING!
a c o s c u r o

A Cold Day in AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon