Chapter 9 Part B

53 7 0
                                    

Chapter Nine Part B:
Starry Night

A Y A S E

PAGBALIK ko sa attic, dala ko ang mainit na lugaw na niluto ko. Pero nagtaka ako dahil wala na si Sungjin sa kama niya. Nilibot ko ang buong attic ngunit hindi ko siya nakita.

Saan nagpunta ang lalaking 'yon?

Napansin kong nakabukas ang bintana. Sumilip ako roon, at nakita ko siya na nakahiga sa bubong. Hindi na ako nag-abalang tawagin siya dahil baka may makarinig sa akin.

Maingat akong umakyat sa bintana. Dahan-dahan kong tinungo ang kinaroroonan niya para hindi ako makalikha ng ano mang ingay, at makaiwas sa aksidente. Nang makalapit ako sa kaniya ay napansin kong nakatingin siya sa kalangitan.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Hindi siya umimik kahit narinig niya ako. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. "Bumalik na tayo sa loob. Malamig dito. Baka lumala pa ang lagnat mo."

Hindi pa rin siya umiimik kaya pinagmasdan ko na lang siya. Nakatingin lang siya sa kalangitan at parang ang lalim ng iniisip. Hindi ko maiwasang titigan ang mga mata niya na kumikislap. Tila ito mga bituin sa paningin ko.

"Hindi ka ba nagugutom? Dinalhan kita ng lugaw. Mas masarap kainin 'you kapag mainit pa."

He look at me. "Kailangan na nating bumalik."

Sandali akong nag-isip ng sasabihin. Kailangan kong mag-ingat sa bawat salitang lalabas sa bibig ko. Baka mabigla siya kapag sinabi ko sa kaniya ang totoo, at hindi niya ako paniwalaan. "Hindi ako puwedeng umalis dito, Sungjin."

"Bakit?"

Napabuntong-hininga ako. Malamig ang simoy ng hangin pero may namumuong butil ng pawis sa ilong ko. "Hindi ko masasagot ang tanong mo." Sa halip na magsinungaling, mas pinili ko na lang na iwasan ang tanong niya.

Umupo ako malapit sa kaniya, at nakitanaw sa kalangitan na pinagmamasdan niya. Maraming bituin doon, at bilog ba bilog ang buwan. Nang mapagod ako sa pagtingala, humiga ako kagaya niya. Mas komportable ito sa pakiramdam.

"Ipagpauminhin mo kung hindi ko nakuha 'yong sketchpad mo. Pagbalik ko sa gubat, nilalapa na ng apoy ang kuta ng mga dumukot sa iyo." Napansin niya siguro na ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa palasyo kaya siya na mismo ang nag-iba ng topic.

Napapikit ako. Ayaw kong isipin na naging abo na ang sketchpad ko sa mga oras na ito pero hindi ko maiwasan. Importante sa akin ang sketchpad na 'yon. Nanggaling pa 'yon sa mga naiwang gamit ng yumao kong lolo.

"May ideya ka ba kung bakit ka nila dinukot?"

"Wala," halos pabulong na sagot ko. I look at him. Nagulat ako kasi nakatingin din siya sa akin. Nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga sa balat ko. "Salamat dahil niligtas mo ako. Kung hindi dahil sa 'yo, baka wala na ako ngayon."

"Isa akong knight. Tungkulin kong iligtas ka. Humihingi ako ng paumanhin kung wala akong nagawa para pigilan silang dukutin ka. Dapat mas naging maingat ako."

Nginitian ko siya. "It's not your fault."

Tiningnan niya ako nang may pagtataka. Saka ko lang naalala na hindi siya nakakaintindi ng English dahil Filipino lang ang ginagamit nilang wika sa comics. Napabuntong-hininga ako. I don't know if it's a bad thing or not.

"Ang ibig kong sabihin, hindi mo kasalanan ang nangyari."

"Pinapangako ko, hindi ko na hahayaang mangyari ulit 'yon lalo na ngayong kasama mo ako."

Napangiti ulit ako. Alam kong hindi para sa akin ang mga sinasabi niya kaya hindi dapat ako nagpapadala. Pero ang sarap sa pakiramdam na marinig 'yan mula sa isang tao. Ngayon ko lang na-realize na ang suwerte ng prinsesa dahil may isang lalaki na tulad ni Sungjin ang nagmamahal sa kaniya. Nakakatawang isipin na naiinggit ako sa tauhang ako mismo ang lumikha.

Ibinalik ko ang tingin sa kalangitan. "You're a great guy, Sungjin. I will do everything I can to make you and Princess Amarah happy."

"May sinasabi ka ba, Prinsesa?"

Bumangon ako. "Ang sabi ko, pumasok na tayo sa loob."

NAGMAMADALI kong inubos ang pagkain ko. Pagkatapos, kumuha ako ng dalawang sandwich at isang baso ng gatas. Ipinatong ko ang mga iyon maliit sa tray. Tahimik lang akong pinapanood ni Lola habang dala ko ito paakyat sa kuwarto ko. Malamang na nagtataka iyon sa inasal ko. Hindi ko kasi ugaling magdala ng pagkain sa kuwarto.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kuwarto ay umakyat agad ako sa hagdan papanhik sa attic. Isa ito sa dahilan kung bakit ka attic pinatuloy si Sungjin at hindi sa guest room. May hagdang nakakonekta sa attic at kuwarto ko kaya madali lang para sa akin na puntahan siya. Nag-iisa lang ang daan patungo sa attic, at 'yon ang kuwarto ko.

Inabutan ko si Sungjin na nagbabasa ng aklat na pinahiram ko sa kaniya habang nakasandal sa headboard ng kama niya. Compilation 'yon ng mga pinaikling bersyon ng mga fairytales na isinalin sa filipino na paborito kong basahin noong bata pa ako.

"Mag-almusal ka na muna." Inilapag ko sa kama ang tray na dala ko. "Kailangan ko ng pumasok sa school kaya hindi kita masasamahan dito. Marami akong libro sa kuwarto ko, kumuha ka na lang doon kapag tapos mo ng basahin 'yan."

"School?"

"Doon ako nag-aaral." Naihiling ko bigla na sana ay hindi na siya magtanong ng kung ano-ano.

Tumango-tango siya na parang naiintindihan ang sinabi ko. "Napakaraming kakaibang bagay sa lugar na ito na hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko. Para akong nasa ibang mundo."

I force a smile. Umagang-umaga ay pinagpapawisan ako. Walang nakakaalam kung hanggang kailan ko kayang itago ang katotohanan mula sa kaniya. Hindi magtatagal, malalaman niya rin ito. Hindi ako handa sa magiging reaksyon niya.

"Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si ama." Ibinaba niya ang hawak na libro at tumingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot. "Alam mo ba kung nasaan siya?"

Dahan-dahan akong umiling. Nalulungkot ako para sa kaniya. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng guilt dahil may kinalaman ako sa mga nangyayari sa buhay niya. Dahil sobra akong nasaktan nang malaman kong may girlfriend na si Brian, idagdag pa ang biglaang pag-alis ng matalik kong kaibigan, naibaling ko sa kaniya ang nararamdaman ko. Siya ang pinarusahan ko.

He sprang out of bed. "Kailangan kong hanapin si ama."

"Hindi ka puwedeng lumabas, Sungjin. Baka mapahamak ka lang. Iba ang mundong ito sa mundong kinagisnan mo. At isa pa, may sakit ka pa. Magpagaling ka muna." Mukhang mahihirapan akong kumbinsihin siya na manatili rito dahil may katigasan ang ulo niya.

"Mas hindi ko kakayanin kung mananatili lang ako rito at walang gagawin. Sa bawat segundong lumilipas, maaaring malagay sa panganib ang buhay ni ama."

Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang braso. "Makinig ka sa akin, Sungjin. Hindi mapapahamak ang ama mo. Ipinapangako ko 'yan, sa 'yo."

Naningkit ang mga mata niya na nakatitig sa mga mata ko. "May alam ka ba sa pagkawala niya?"

Inalis ko ang mga kamay ko sa balikat niya, at nag-iwas ng tingin. "M-Mamaya na tayo mag-usap. Kailangan ko ng pumasok sa school."

Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako. "Ayaw kong mag-isip nang masama sa 'yo pero pakiramdam ko'y marami kang itinatago sa akin."

"Kung lalabas ka, sa bintana ka dumaan. Hindi ka puwedeng makita ng mga tao rito."

Binitawan niya ang braso ko. Hindi ko na siya nagawang lingunin bago ako umalis.

A C O L D D A Y I N A P R I L
a c o s c u r o

A Cold Day in AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon